Point of view - Patricia Monteverde - Dalawang tapik sa balikat ang nakapagpagising sa aking diwa. Marahan kong binuksan ang talukap ng aking mga mata nang mapagtantong nasa loob nga pala ako ng kotse. Kumunot pa ang aking noo nang tumingin ako sa paligid. "Ano, hobby nyo na ba magkapatid na matulog sa kotse ko?" wika ni Prince sa akin. "Nandito na tayo," muli niyang wika saka tinuro ang labas ng bintana. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang ilang lumulutang na bahay. Noon ko napagtanto na dinala niya pala ako sa isang floating restaurant sa may Pasay City. Naramdaman ko ang pagbukas ni Prince sa pinto ng kotse. Bumaba ako mula rito at naramdaman ang malamig na hangin mula sa dagat. Pakiramdam ko ay nakumpleto ang aking paghimbing dahil sa mabagal na pagmamaneho ni Prince. O baka

