Point of view - Patricia Monteverde - Isang bagong umaga na naman, dahil wala ang aking kapatid sa opisina, wala akong magagawa kung hindi punan ang leave niya. "Ms. Patty, nakahanda na po ang meeting room." Maingat kong binaba ang screen ng laptop na nasa aking lamesa. Marahan ko pang minasahe ang aking daliri dahil halos nangangawit na ito sa paghawak sa ballpen, kanina pa rin kasi ako pumipirma sa mga dokumento na sunod-sunod na ibinibigay ng aking assistant. Isang buntonghininga pa ang aking ginawa bago tuluyang tinanggal ang reading glass na nasa aking mata. Nang marinig ko ang sinabi ng aking assistant na si Andy, hinanda ko na ang aking sarili para sa board members meeting. As usual, ako na naman ang a-attend sa meeting na ito dahil wala ang magaling kong kapatid. Bilang pang

