Chapter 47

1135 Words

Point of view - Mikaela Sandoval - Sandaling nagpaalam si Prince na may pupuntahan, habang ako naman ay naiwan habang kumakain sa loob ng kanyang condo. Nang natapos akong kumain, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone sa aking tabi. Agad ko itong tiningnan at nakita ang pangalan ni Patty, saka ko sinagot ang tawag. "Hello?" "Hoy! Babae! Sinong nagsabi sa 'yong makipag-live in ka sa ex-boyfriend ko?" sunod-sunod na bulyaw ni Patty. Mariin pa akong napapikit dahil sa malakas niyang boses sa kabilang linya. "Ano na namang sinasabi mo d'yan, Patty?" "Tumawag daw si Prince kagabi kay mommy at pinagpaalam ka niya. Sabihin mo nga, ano ba talaga ang ginawa nyo kagabi, aber?" bulyaw niya sa akin na tila siya ang nanay ko. "Wala, mahabang istorya." "Hindi naman sa pinagbabawalan kita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD