Point of view - Mikaela Sandoval - Sa mabilis na paglipas ng araw, hindi ko akalain na ganoon lang kadaling matatapos ang bawat semestre ng aming pag-aaral. Ilang buwan na lang, graduate na kami at haharapin ang totoong buhay sa labas ng unibersidad. Ang totoo, kinakabahan pa rin ako sa maaaring mangyari. Kinakabahan pa rin ako sa maaari kong patunguhan kapag dumating na ang araw ng pagtatapos. Ngunit kahit ganoon, alam kong kailangan kong ihanda ang aking sarili sa kung ano man ang mga bagay na kakaharapin ko. *** "Ito iyong fourteenth birthday ko, ito 'yong pinakamasayang araw ng buhay ko dahil first time mag-celebrate si daddy kasama ko." Sabay turo ni Patty sa larawan na nakalagay sa photo album. Kasalukuyan kaming nasa aking silid at parehong nakadapa sa kama habang inaalala ang

