Point of view - Mikaela Sandoval - Kung minsan, ang mga pagsubok sa ating buhay ay hindi maiiwasan. Ginawa ito upang subukin ang ating katatagan. Minsan, kailangan nating harapin ang mga bagay na ito nang mag-isa, dahil ito rin ang magiging lakas natin upang harapin ang bagong bukas. Sa buhay, hindi lahat ng tao ay maiintindihan ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ikaw ay papaboran nila. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong patunayan sa lahat ang iyong sarili. Hayaan mo silang mapagod sa sarili nilang panghuhusga. Hayaan mo silang matikman ang mga balik na ginawa ng tadhana para sa kanila. Magpatuloy ka sa mga bagay na komportable kang ginagawa. Ipagpatuloy mo ang buhay at huwag magpadala sa sinasabi ng iba, dahil sa huli, wala kang ibang makakasama kung hindi ang iyong sari

