Simula
"Nakita ko na naman ang asawa mong si William Kraus sa restaurant na kinainan namin ng kaibigan ko kagabi." Ang bungad na sabi sa akin ni Sherry matapos kong buksan ang gate.
Napahinga ako ng malalim, "At sinong kasama?"
Nauna siyang naglakad papasok sa bahay, nang makapasok ay saka siya humarap sa akin at muling nagsalita, "Bagong mukha ang babae, Ciara. Hindi pamilyar sa akin, pero sigurado akong isa sa mga babae niya ang nakita ko kanina."
Umupo ako sa sofa saka napahawak sa aking noo. Hindi na dapat ako magulat sa ibinabalita sa akin ni Sherry dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nahuhuling may kasama pero para sa akin ay mahirap. Mahal na mahal ko si William.
"Kailan ka kaya matatauhan sa katangahan mo Ciara? Dalawang taon na kayong kasal ni William at dalawang taon ka na rin niyang niloloko! Naiimbyerna ako sa'yo."
"Alam mo naman na may anak kaming dalawa hindi ba? Sobrang hirap pero ayaw kong lumaki ng walang kinikilalang ama si Neil." Ang sabi ko pa kay Sherry.
Mayroon kaming isang anak na lalaki. Apat na taong gulang, Hindi pa kami kasal ni William ay nagkaroon na kami ng anak.
Sa totoo lang, nakilala lang ako ni William sa bar na pinupuntahan nila ng mga kaibigan nya sa Taguig. Isa akong waitress noon at nineteen years old pa lamang at siya naman ay twenty five years old.
Dahil bata at halos wala pa akong alam sa mga bagay na alam ni William noon ay madali niya akong nakuha. Isang beses lang may nangyari sa amin pero marami na agad ang nangyari sa buhay ko.
Nang malaman kong buntis ako ay pinilit kong alamin kung nasaan si William. Hanggang sa natulungan ako ng mga kaibigan nya.
Pinilit ko siyang kausapin noon para humingi ng tulong sa pagbubuntis ko pero isang beses lang siyang nagpakita at sampong libo ang ibinigay sa akin. Kaya naman gumawa ako ng paraan para mahanap ang bahay nila.
Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga oras na iyon. Sa edad kong nineteen na nagtatrabaho bilang waitress kasabay ng pag aaral ko sa kolehiyo ay alam kong si William ang makakatulong sa akin kung paano ko mabubuhay ang anak ko.
Ang Papa ko ay namatay sa Saudi noong ako ay sampung taong gulang. Doon siya nagtatrabaho at doon na rin siya nagkasakit. Dahil sa kawalan ng pera ay hindi na namin naiuwi pa ang mga labi ni Papa.
Si Mama naman ay nakakulong sa correctional noong fifteen years old pa lamang ako dahil sa kaso ng ipinagbabawal na droga.
Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay, ang dalawa kong kapatid na lalaki ay parehas na nag aaral ng college. Ang isa ay si Nick na may trabahong call center agent habang nag aaral at ang isa naman ay si Marvin na nag aaral din.
Dahil sa hirap ng buhay at hindi na malaman kung paano ko bubuhayin ang anak ko ay pinilit kong tuntunin ang bahay ni William. Nakausap ko ang kanyang mga magulang at nagulat ako sa kanilang reaksyon nang malaman nilang buntis ako kay William. Gusto na raw nilang magka apo, kaya nang malaman nila iyon ay agad kaming ipinakasal sa City Hall kay Mayor, walang mga bisita, walang kainan at walang honeymoon. Biglaan.
"Mama!!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo nang marinig ko si Neil.
"Ohh! Tawag ka daw ni baby, Mommy!" Ang excited na sabi sa akin ni Sherry.
Tumayo rin si Sherry at nilapitan si Neil. "Hi Cute na baby boy? Bagong gising ikaw?" Ang tanong ni Sherry sa anak ko, Umiling si Neil habang iminuwestra ang dalawang kamay sa akin na nagsasabing ikalong ko daw siya.
"Cute ng anak mo, Ciara." Natutuwang sabi ni Sherry
"Ihi si ako, Mama."
Hinalikan ko sa pisngi si Neil at saka kami naglakad papuntang banyo, "Wait lang Sherry ha. Samahan ko lang si Neil."
"Yup, sure."
Habang inaalalayan ko si Neil na gumamit ng banyo ay tumunog ang aking cellphone.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag, Unknown Caller....
Hindi ko iyon sinagot at ibinalik sa side table ang cellphone. Maya maya ay muling tumunog ang cellphone pero this time ay may nag text na.
Good afternoon, Ciara. Andrei here, Si William ay lasing na lasing at hindi na kayang umuwing mag isa. Hindi ko na maihahatid kasi may work ako mamaya. Pwedeng ikaw nalang ang pumunta dito? Sa dating place.
Nagreply ako at sinabi kong papunta na ako.
Hinintay ko muna na matapos si Neil at saka ko muli siya kinalong at naglakad papunta kay Sherry.
"Sherry, Nagtext yung kaibigan ni William. Sunduin ko daw si William at lasing na lasing, pwede ko bang ipasama sa'yo saglit si Neil?"
Ngumiti siya pero alam kong gusto nyang magreact sa sinabi ko. Kilala ko na itong kaibigan ko sa tagal ng pinagsamahan namin. Gustong gusto na niya akong sakalin sa katangahan.
"Mag-iingat ka, itext mo kaagad ako kapag may problema ha?" Ang sabi niya sa akin, "Baby neil!!! Tara sa house laro kayo ni Simon! Tara!"
Nagbihis ako ng maayos ayos na damit. Hindi ako marunong mag drive at hindi rin naman pinapahiram ni William sa akin ang sasakyan nya kaya naman lagi lang akong namamasahe. Sanay ako doon, Dahil kinalakihan ko na ang mamasahe sa tuwing umaalis.
Nang makarating ako sa bar ay nakita ko kaagad si William na nakasandal sa long couch habanng ang kanyang babae ay nakayakap sa kanya.
Gusto kong paghahampasin ang babae sa sobrang inis pero alam kong kapag ginawa ko iyon ay ibabalik sa akin ni William ang ginawa ko sa babae niya.
"Hey, kanina pa kita hinihintay. Buti dumating ka na." Ang sabi ni Andrei nang makita nya ako.
Pinahid ko kaagad ang luhang umalpas para hindi niya mahalata, "Hey.. I'm sorry." Ang sabi niya nang mapatingin sa babaeng ngayon ay hinahalikan ang leeg ni William habang kinakapa ang harapan nito.
Agad na lumapit si Andrei sa babae at hinila ito palayo. May sinabi si Andrei sa babae pero hindi ko na iyon narinig.
Inakay ko si William palabas ng bar at buti nalang ay may nakaabang kaagad na Taxi.
Nahirapan pa ako bago ko pa maayos na naisakay si William. Papasok na sana ako ng taxi ng tawagin ako ni Andrei.
"Ciara!"
Lumingon ako sa kanya at ngumiti, "Thank you, Andrei. Ingat ka."
Tumango siya at saka muking nagsalita ng mahina, "Ciara, you don't deserve all of this."
Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na akong napaiyak. Niyakap niya ako habang pilit akong pinapatahan.
"Take care, Ciara. Text me if there's a problem." Ang sabi niya nang ako ay kumalma na.