Kabanata 1

957 Words
NANG makasakay ako ng taxi kasama ni William ay doon lamang bumuhos ang kanina pa nagbabayadyang mga luha ko. Tulog na tulog si William sa tabi ko. "Ma'am asawa niyo po ang kasama ninyo ano?" Naputol tuloy ang pag-iyak ko nang marinig ko si Kuya na Driver. "Opo, Kuya.." Ang sagot ko sa kanya. "Pamilyar na sa akin si Sir, parang ilang beses ko na siyang naihatid sa bahay niyo ng lasing." Nang makita ko si Kuya sa repleksyon ng salamin ay napangiti ako ng malungkot. Mukha na tuloy akong baliw dito. Tama nga siya, pamilyar din siya sa akin dahil last week lang nang huli niyang ihatid ang asawa kong lasing na lasing. "Ma'am. Pasensya na po ha, kung sa tingin niyo ay sobrang sakit na, eh mas maganda siguro na umalis na lang." Ang sabi niya sa akin 'Yun nga ang paulit ulit na sinasabi sa akin ni Sherry. Paulit ulit na rin niya akong sinesermunan. Napakatanga ko 'raw at sibra akong nagpapakatanga kay William. Pero tulad ng iniisip ko, Kapakanan lang ni Neil ang gusto kong maisaayos. Sana kayanin ko, pero kung hanggang saan ang kakayanin ko ay hindi ko na alam. Tinulungan ako ni Mamang Driver na alalayan si William papasok sa loob. Nang makahiga sa sofa si William ay saka ako nagpasalamat kay Kuya at kinuha ang cellphone mula sa aking pouch bag saka itinext si Sherry na nandito na ako sa bahay. "Ughhh, Fuck it!" Napapitlag ako nang marinig ko si William. Naalimpungatan mula sa pagkakatulog. Mabilis akong pumunta sa kusina para ikuha ng maiinom si William. "Oh heto, uminom ka muna ng tubig... Nagugutom ka ba?" Ang tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya bitbit ang baso na may lamang tubig. Hindi siya sumagot. Sa halip ay hinubad nya ang polo na suot niya at saka bumalik sa pagkakahiga. Kita ko tuloy ang hubad nyang katawan na halatang kissmarks mula sa mga babae niya. Huminga ako ng malalim. Inilapag ko sa mesa ang baso at saka tinawagan si Sherry para makisuyo na iuwi na si Neil para makapag pahinga na. Sigurado kasi ako na pagod na naman si Neil sa kakalaro kasama ng kinakapatid niya. Naglakad ako palabas para salubungin si Neil. Habang naglalakad ay naiisip ko ang mga panahong kahit na sa bilang na oras lang ay masaya kasama si William. Noong araw ng unang pagkikita namin, iyon din ang araw na may unang nangyari sa aking dalawa, bagay na sobra niyang pinagsisihan dahil ayaw pa raw niyang magkaanak. Unang araw ng pagkakakilala naming dalawa ay iyon ang pagkakataong nakilala ko siyang masiyahin at sobrang bait pa sa akin. Marahil ay hindi pa siya nakatali sa kasal kaya masaya siya. Masaya sanang balikan, pero may pagkakataong pinagsisisihan ko rin. Dahil kung hindi ko sana ipinilit ang paghingi ng sustento kay William para kay Neil ay hindi sana ganito ngayon. Hindi sana kami kasal, Hindi sana ako pinapahirapan at sinasaktan. "Mama!" Masigla si Neil nang salubungin nya ako. Niyakap ko ang anak ko at saka kinalong. Kamukhang kamukha ni Neil ang Papa niya. Mula sa Ilong nitong matangos, sa labi at sa matang tila nangungusap. Gagawin ko ang lahat para maging mabuting tao si Neil. Nagpasalamat ako kay Sherry matapos niyang ihatid ang anak ko. Pagpasok namin ng bahay ay sumalubong sa amin si William na nakaupo sa sofa. Halata sa kanya ang pagka disoriented. Naubos rin niya ang tubig na inihanda ko para sa kanya. Pagbaba ni Neil mula sa pagkaka-kalong ko sa kanya ay dumiretso siya sa Papa niya at saka nagmano. "Good morning po, Papa..." Ang cute na sabi ni Neil sa Papa niya habang nagmamano. Napangiti ako nang makita ko ang pagmano ni Neil sa kanya. Normal na naman iyon sa amin dahil sa tuwing uuwi ang Papa niya ay nagmamano siya rito. Sinabihan na ako dati ni William at sinermunan na ayaw na ayaw niyang may nagmamano sa kanya dahil nagmumukha na raw siyang matanda. Hindi ko naman masabihan si Neil dahil gusto kong lumaki siyang may respeto sa nakaka-tanda. "Kumain na baby ko?" Ang tanong ni William kay Neil pero halata pa rin ang pagka lasing nito. Hinawakan nya ang buhok ni Neil at ginulo iyon. Natuwa naman si Neil at napayakap sa Papa niya. "Sabay tayo po, Papa!" Napatingin sa akin si William. Hudyat na siguro ito para huwag na akong makialam sa kanilang dalawa. Pumunta ako sa may laundy area at saka isinalansan ang mga lalabhan kong damit ni naming tatlo. Ito lang naman ang buhay ko rito. Taga linis at taga laba. Normal na gawain para sa isang mag asawa. Binuksan ko ang youtube sa cellphone ko at saka nakinig ng balita para habang naglalaba ako ay may mapakinggan naman ako. Maya maya ay nakita ko si William. Nasa may pintuan siya ng laundry area at malalim ang mga matang nakatingin sa akin. "Kailan ang pasukan ni Neil?" Ang tanong niya sa akin. Binanlawan ko ang kamay ko bago nagsalita, "Next week pa, sa monday pa ang pasukan niya." Tumango siya, "Nakabili ka na ng mga gamit ng bata?" "Nakabili na kami, William." "Good." Lumapit pa siya at saka muling nagsalita, "Umuwi muna kayo ni Neil sa inyo mamaya. Dadating ang girlfriend ko, baka makita pa ni Neil." Halos mangatog ako nang marinig ko ang sinabing iyon sa akin ni William. Bago ito, dati ay patakas na ini uuwi ni William ang babae niya pero this time ay talagang sinabi pa niya sa mismong asawa niya. "Narinig mo ba ako?" Tumango ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. Kitang kita iyon ni William na para bang wala lang sa kanya ang lahat. "Gusto ko alas dos ng hapon ay umalis na muna kayo ng bata. Bukas na kayo umuwi, maliwanag ba?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD