SINABI ko kay Tita Krista ang lahat ng nalaman ko mula sa imbestigador at bilang isang ina ay nag-aalala s'ya para kay Kastel kahit hindi pa namin sigurado na ito nga si KA. Tinawagan n'ya si Gabriel at pinapunta dito sa opisina n'ya. Nang dumating ito ay kumunot ang noo nang makita ako. "You have a visitor, Tita? Gusto mo bang bumalik na lang ako mamaya?" tanong nito. "No. Please have a seat, Gabriel. This is Danton Dela Questa. Danton, this is Gabriel Valentin, Kastel's husband," pakilala n'ya sa aming dalawa. I extended my hand at inabot naman n'ya ito. "Gabriel, I don't want to waste time anymore. May ibang araw pa para pagkwentuhan natin ang nakaraan. Ang importante ay malaman natin kung nasaan ang asawa mo," sabi ni Tita Krista dito. "We can check the mall. I think she forgo

