NAMALAYAN ko na lang ang sarili ko na walang habas ang pagbalong ng luha. Hindi ko alam kung para saan ang iniiyak ko. Hindi ako ang tipo na madaling maiyak sa isang pelikula, pero sa salaysay ni Ninang ay ramdam na ramdam ko ang paghihinagpis n'ya at ang pagmamahal n'ya kay Joaquin na hanggang ngayon ay nagniningas pa rin. Para ba itong isang sulo na nagsisilbing tanglaw para makabalik sa kanya ang minamahal n'ya. Is it the fact that she loved the man and by the time she realized she's ready to marry him, he was gone? Or is it because she lived the rest of her life pining for the only man she ever loved despite knowing he will never return for her? Parehong masakit. Walang kasing sakit. I don't know if I am going to survive that if I lose Gabriel. "I still remember it like yesterday,"

