"IT was my last name that caught her attention. Iisa lang ang intens'yon ny'a at 'yon ay ang gumanti sa amin. I should have put Dela Questa. Alam mo ba kung ilang beses kong sinisi ang sarili ko sa nangyari?” Umiling ako. Wala akong maapuhap na sabihin sa kanya. Napakadilim ng lahat at maging ako ay gusto kong itanong kung ano bang kasalanan n'ya? Mabuti pa si Katja at ang mga kapatid n'ya. . . maging si Lana, alam nila simula't simula na bawal magmahal ng mortal. At lalong bawal magmahal ng may kapangyarihan. Pero si Ninang? Anong kasalanan n'ya? Nagmahal lang s'ya ng lubos. "Araw araw ng buhay ko, Kastel. Bawat minuto, bawat segundo. Hindi ako tumigil sa paghahanap sa kanya. And although everybody was saying it wasn't my fault, why does it feel like it is? It caused a rift between me

