BABY girl La Guardia - Dela Questa? Iyon ang sinambit n'ya. Oh God. . . Oh God. . . did she just say nandoon ako sa nursery? S'ya ang kumuha sa akin sa nursery? Ako ang anak ni. . . hindi ako makahinga. I felt like my heart stopped beating at kahit ang oxygen ay nawalang lahat sa katawan ko. "Kaya ibinaba ko ang unang batang dinampot ko. Hindi ko alam na nagkaanak si Katrina. Matapos mamatay ni Joaquin ay hindi ko na s'ya napagkikita. Baka nahihiya na nabuntis s'ya ng walang ama ang ipinagbubuntis n'ya. Katulad ko lang noon. Napakaganda ng anak n'ya. Alam mo ba ang pangalan ng bata?" "A-ano po ang pangalan ng batang kinuha n'yo?" "Kastelana Adelaide. Akalain mo 'yon? Sa ampunan ka na nga lumaki at inampon ng mga Salvador ay malapit pa rin sa tunay mong pangalan ang ibinigay sa 'yo. Han

