Chapter 4
"Come here"
"Akala ko ba magbibihis kana?" Napapataas na kilay na tanong niya kay Kenjie. Hindi rin niya mapigilan panghinaan ng tuhod. Paano ba naman siya hindi manghihina eh nakakapanghina ang bodylicious nito.
Nagtaka si Cassy ng hindi dumiretso si Kenjie Hoffman sa kwarto nito bagkus lumakad ito papunta sa malaking salamin na bintana at binuksan nito ng husto ang itim na kurtinang tumatakip doon.
"Basta lumapit kana dito. Ang dami mo palaging tanong" Pilit ang ngiti sa gwapong mukha nito. Mukhang wala itong kapasenpasensya sakanya
Huminga muna siya ng malalim bago sinunod ang utos nito. Dahan dahan siyang lumakad papunta sa kinakatayuan nito.
"Closer" Kakaiba ang titig nito sakanya. Pakiramdam niya tinititigan nito ang bawat detalye ng kanyang mukha.
"A-Ano ba kasi itech trip mo?" Lumapit pa siya ng isa pang hakbang
"I said closer" Seryoso nitong sabi sakanya.
Habang papalapit siya ng husto kay Kenjie doon niya narerealize na mas gwapo ito ng isang daang libong beses kapag sa malapitan!
Napalunok siya bago siya humakbang muli. Dalawang hakbang nalang at maglalapit na ang kanilang katawan.
Nakatapis lang ito ng tuwalya kaya naiilang rin siya. Nagsusumigaw kasi ang kakisigan nito. Iniisip niyang mabuti kung bakit pa ito pinagpalit ng ex-wife nito? Eh napakaperpekto na nito.
"O-Oh ayan eklaboo ka ha. Ang lapit ko na sayo" Kinakabahan siya dahil ngumiti ito
"Smile. Maraming reporters ang kumukuha ng pictures natin ngayon sa kabilang building. Believe me hindi mo magugustuhan ang pictures mo kung ganyan ang itsura mo" Napapangiti nitong pang-aasar sakanya
Agad tuloy siyang lumingon sa labas ng salamin na bintana. Buong syudad ay nakikita niya mula sa bintana ng condo unit ni Kenjie. Napansin niya nga sa kabilang building may mga nagkikislapan na ilaw at mukhang mga camera iyon.
"Oh my gee.. Kalerky!" Nanlaki agad ang kanyang mga mata at napatakip siya sa kanyang bibig at ilong. Agad siyang tumalikod upang hindi siya makuhaan ng pictures
"Bakit di mo agad sinabi?! Nakakahiya itech!"
Napapangiti si Kenjie habang nakatingin sakanya. Bakas sa gwapong mukha nito ang pagkawili sa pang aasar sakanya.
"Patikim palang natin yan sa social media" Muli nitong isinara ang kurtina ng bintana.
Napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa bilis ng pag t***k ng kanyang puso.
Napatingin tuloy si Kenjie sa dibdib niya
"Nice boobs" Malokong sambit nito kaya agad niyang niyakap ang kanyang sarili at pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa tapat ng dibdib niya na para bang tinatakpan niya ang malulusog niyang dibdib.
Namula tuloy ng husto ang pisngi niya.
Natawa si Kenjie sa naging reaksyon niya. Napapantastikuhan ito sa kakaibang kilos niya.
"Hintayin mo ko magbibihis lang ako" Napapa-iling pa ito habang papasok ito sa kwarto nito. Natutuwa lang ito sakanya ngunit wala itong nararamdaman na atraksyon sakanya. Sa dami ba naman ng babae nito at higit sa lahat napakagaganda pa kaysa sakanya.
Hindi naman kasi siya maganda ngunit hindi rin naman siya pangit. Nasa gitna lang ang itsura niya. Nagpapasalamat nalang din siya dahil maganda ang mga ngipin niya at matangos ang ilong niya.
Nakahinga siya ng maluwang ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng kwarto nito.
"Jusko tong boylalush na to. Maloloka ako ng maaga." Pinaypayan niya tuloy ang kanyang sarili dahil natense siya sa mga naganap.
Nakakatense na nga makaharap ito sa malapitan at pupurihin pa nito ang boobs niya kaya tuloy nagdoble doble ang epekto sa kanyang inosenteng katawan.
Habang nag bibihis ito doon ay di niya mapigilan pagmasdan ang buong condo unit nito. Kahit lalake ito ay malinis ito sa kagamitan. Halatang maayos ang nakatira doon at hindi burara.
Hindi katulad sa kwarto niya kung saan saan nakasabit ang bra niya kung minsan nasa ilalim na pala ng kama niya kaya ilang buwan niyang hindi nakikita. Minsan lang kasi siya maglinis kaya naman minsan lang niya nakikita ang mga damit o bagay na hinahanap niya.
Namangha siya sa loob ng condo unit nito. Mukhang mahilig rin ito sa pagkain dahil panay paintings ng mga pagkain sa kusina nito. Tatlong two doors fridge rin ang naroon. Maubos kaya nito ang mga pagkain sa loob ng ref nito?
Lumakad pa siya ng kaunti at nakita niya ang isang piano sa bandang dulo.
Sa gilid ng itim na piano mayroon isang itim na picture frame ang nakapatong doon
Basag na ang salamin ng picture frame ngunit nakilala niya parin kung sino ang babaeng iyon.
His ex-wife!
Napakaganda nito sa litratong iyon. Kaya hindi niya mapigilan hawakan ang picture frame at pagkatitigan ito.
Napakasimple lamang ng mala-anghel na mukha nito. Nakaramdam tuloy siya ng lungkot dahil ito ang babaeng nakakuha ng puso ni Kenjie. Kaya ngayon palang alam na niyang wala talaga siyang pag asa.
"Put it down"
Ang malamig na boses ni Kenjie ang nagpatigil sakanya sa pagtitig sa ex-wife nito.
Nataranta tuloy siya at muntikan pa niyang mabitawan ang picture frame. Mabuti nalang at nasalo agad niya
"Oopps sorry" Nakangiwi niyang paumanhin kay Kenjie dahil kumunot ang nuo nito.
Agad niyang ibinalik sa dating pwesto ang picture frame.
"Follow me" Utos nito sakanya. Nakapagbihis na rin ito ng pajama at puting tshirt.
He looks so cute in that pajamas! Parang ang sarap nitong makatabi sa pagtulog. Hindi niya tuloy maiwasan mangarap na balang araw makakatabi niya rin ito sa pagtulog
"Tatayo ka lang ba diyan?" Masungit nitong untag sakanya
Ipinilig niya ang kanyang ulo upang hindi kung ano ano ang mga naiisip niya
Sinundan niya ito hangang sa living room. Umupo ito sa itim na sofa kaya naman ginaya niya ito. Umupo rin siya sa sofa ngunit sa katapat nito.
May hawak itong kulang asul na folder at inilapag iyon sa harapan niya.
"This is our contract"
"A-Ay taray naman may ganyan pa talaga?"
"Yes. So read it now. Isinulat ko talaga yan ng tagalog para madali mong maintindihan"
Napataas ang kilay niya
"Kalerky ka Kenjie marunong naman akech mag english no"
Walang reaksyon ang gwapong mukha nito.
"Read" Utos muli nito sakanya
Kinuha niya ang blue folder na pinatong nito sa center table sa kanyang harapan.
She read the contract.
"Read it loud. I want to hear it" utos ni Kenjie
Napasimangot siya ngunit sinunod niya muli ang utos nito. Sinimulan niyang basahin ng malakas ang kontrata.
Kontrata
Ikaw Casandra ay nangangakong magpapangap bilang nobya ko hangang sa bumalik ang asawa ko o sa loob lamang ng tatlong buwan.
1. Bawal mong ipagsabi kahit kanino ang tungkol dito
2. Bawal kang gumawa ng kung ano anong kalokohan habang nagpapangap kang nobya ko. Maraming mata ang media na maaring ikapahamak ko.
3. Bawal mo akong halikan yakapin o haplusin--
Napataas ang kilay ni Cassy habang nagbabasa siya
"E-Excuse me Kenjie feeler ka rin no?"
Pinipigilan nitong mapangiti dahil nanaman sa reaksyon niya. Nagkakanda tulis kasi ang nguso siya sa inis.
"Continue reading" Utos muli nito
4. Bawal kang magkanobyo habang may contrata tayo.
"Marami akong boyfriends pano yan? Fine makikipag break nalang akech--"
"Alam kong wala. Continue" Natatawa nitong putol sa pagsasalita niya
Tinaasan niya lang ito ng kilay. Aba ganon ba siya kapangit upang masabing walang nobyo?
Pinagpatuloy nalang niya ang pagbabasa ng kontrata
5. Ibibigay ko ang bayad na 1Million pesos kapag bumalik ang asawa ko sa loob ng tatlong buwan. Ngunit kung hindi siya bumalik bibigyan lamang kita ng 500 thousand pesos.
6. Every Saturday and Sunday magkasama tayo para ipakita sa media ang relasyon natin.
7. Bawal kang mag pa-interview ng hindi ako kasama o walang pahintulot ko
8. Lahat ng utos ko susundin mo
"Excuse me ulit Kenjie kalerky ka! Anong lahat ng utos mo? Aba baka gawin mo akong katulong ha?"
Ngumiti lang ito
"Continue"
9. Pagbumalik ang asawa ko ipapagtapat natin ang tungkol sa kontrata
10. Pagkatapos ng kontrata natin hindi na tayo ulit magkikita at huwag mo kaming kukulitin ng asawa ko. Maliwanag?
Pumirma ka dito
Nakasimangot siya ng matapos niyang basahin ang kontratang ginawa ni Kenjie. Sulat kamay lang nito iyon hindi man lang ginawa sa computer.
"Nakakalerky tong kontrata mo ha? Feeler ka masyado. Ayoko na nga. Bahala ka jan sa life mo" Tumayo na siya at magmamartsa na sana siya palabas ng condo nito ngunit tumayo rin ito at pinigilan ang kanyang kamay
Bolta-boltaheng kuryente ata ang dumaloy sa buong katawan niya dahil sa pagdampi ng mainit nitong palad sa pulsuhan niya.
Hindi niya pinahalatang naapektuhan siya
"I have question for you" Seryosong sabi nito
"A-Anech?" Tanong niya habang sinusupil niya ang damdamin sa kanyang puso na para bang kinikilig pa siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya
"Why did you do that?"
"Ha?"
"Bakit mo ko sinalo nung gabing yun?" Seryosong seryoso ang kulay asul nitong mga mata
"D-Dahil gusto ko lang"
"I know you like me--"
"H-Hoy ang feeler mo kalerky!" Namula agad ang kanyang pisngi.
Sinalo ata ni Kenjie ang lahat ng kayabangan sa buong mundo. Hindi niya ito masisisi dahil talaga naman napakagwapo nito at imposibleng hindi niya ito magugustuhan
"Then why did you help me last night?" Tanong parin nito
"E kasi nakita ko kung paano ka ipahiya ng ex wife mo. Lalasing lasing ka kase tapos ipapahiya mo lang pala yung sarili mo. N-Naawa lang naman ako sayo kaya kita sinalo. H-Hindi kita gusto no!"
Mukhang naniwala naman ito sa kanyang sinasabi
"Good. Then sign the contract now. Wala ka naman palang gusto sakin bakit ayaw mong pumirma sa kontrata?"
"E-Eh basta ayoko na. Good night babush!" Tinangal na niya ang kamay ni Kenjie na nakahawak parin pala sakanya.
Agad siyang tumakbo palabas ng condo unit nito.
"Casandra wait" Hinabol pa siya ni Kenjie ngunit nakasakay na siya sa elevator.
"Bleh!" Nilabas niya pa ang kanyang dila upang mas asarin ito bago magsara ang pinto ng elevator. Mabuti nalang at hindi na siya sinundan nito ng makababa siya.
Bakit nga ba ayaw na niyang pumirma sa kontrata? Dahil ba nalungkot siya sa mga nakasulat doon?
Napabuntong hininga nalang si Cassy habang nakasakay siya sa taxi pauwi ng kanilang bahay.
Ngayon palang pinapasakit na ni Kenjie ang puso niya. Alam niyang maaga pa para maramdaman ang kirot ngunit mayroon kaunting kirot na siyang nararamdaman lalo na't halatang mahal na mahal nito ang dating asawa nito.
Kinagabihan nag trending nanaman ang kanilang pictures ni Kenjie Hoffman.
Marahan siyang sinabunutan ni Mame dora
"Anak may nangyare ba sainyo ni pogi?" Mataray na tanong ni mame dora habang nanunuod siya ng TV sa kanyang kwarto
"Mame naman. Waley po no"
"Eh bakit nakahubadlaloo siya dito sa picture niyo?"
Pinakita sakanya ni Mame Dora ang litrato nilang dalawa ni Kenjie. Pakiramdam niya ang panget niya sa picture na iyon.
Kuha nga iyon sa kabilang building dahil mula sa labas ng bintana ang kanilang mga pictures. Medyo malabo ang iba
"Mame nakatuwalya siya diyan hindi lang kita sa pictures"
"Anong ginawa niyo ditey? Alangan naman nagbatobato-pick kayo?"
"Mame virgin pa rin ako pati tong nguso ko."
"Mabuti naman kung ganon anak. Jusko parang nanghihigop ng buhay tong si pogi eh? Baka saktan ka lang nito anak"
"Kaya nga mame eh." Napabuntong hininga tuloy siya.
Lumipas ang dalawang linggo. Panay parin ang pag punta ni Mang nestor sa bahay nila. Halos makalbo na nga ito kakapagupit sa salon nila upang suyuin lamang siyang pumunta sa condo ni Kenjie at pumayag sa contrata nito.
Dahil ibat-ibang balita na ang ginagawa ng media tungkol sakanilang dalawa.
Kenjie Hoffman muli nga bang iniwanan?
Kenjie Hoffman nasaan na nga ba ang bagong girlfriend? Nang iwan din nga ba?
Kenjie Hoffman hindi totoong may nobya at naghahabol parin sa dating asawa?
"Marami pang balita tungkol kay Sir Kenjie at pinagtatawanan na ito ng ibang tao. Please ma'am cassy sana po tulungan niyo si Sir" Pagmamaka-awa ni mang nestor sakanya
"Eh bakit kasi mang nestor kayo ang pinapapunta ng boss niyo dito sa anak namin? Hindi ba dapat siya ang mangulit?" Tanong ni mame dora habang ginugupitan nito ng buhok si mang nestor
"Sa katunayan po niyan hindi naman ako pinapapunta ni boss dito. Kusa lang po ako nagpupunta dito. Sumuko na rin kasi si boss ayaw na niyang naghahabol"
Nalungkot siya sa sinabi ni Mang nestor
"Lalo na po ngayon pinagtatawanan siya ng ex-wife niya, Napanuod niyo ba yung interview ni ma'am cassy? Sabi niya wala raw matinong babae ang papatol pa kay Sir Kenjie"
Lalo naman nalungkot ang puso niya
Pasimple niya tuloy binisita ang f*******: account ng ex-wife ni Kenjie Hoffman
Napataas ng husto ang kilay niya sa mga post nito
So pathetic!
It's a prank! Move on!
Shinare pa nito ang picture ni Kenjie Hoffman na naglalasing sa isang bar. Mukhang sa bar iyon na pag mamay-ari ng kapatid nito.
"Ang yabang naman nitong ex-wife niya! Tara na ho mang nezz!" Napatayo tuloy siya sa kanyang pagkaka-upo
"Anak ang puso mo. Akala ko ba ayaw mo ng mainvolve sa buhay ni pogi?" Tanong ni mame dora sakanya
"Sa tingin ko kailangan niya po ako ngayon eh. Tutal ako naman ang nagsimula nito eh. Halika na mang nezz puntahan na natin siya"
Napapalakpak sa tuwa si Mang nestor.
"Naku maraming salamat ma'am!"
"Anak maligo ka muna di ka pa naliligo"
"Ay oo nga pala!"