Chapter 5

2151 Words
Chapter 5 "Ma'am huwag niyo po sabihin kay Sir Kenjie na pinilit ko kayo sa pag punta dito." Ani mang nestor habang paakyat sila sa condo unit ni Kenjie Hoffman "Okidoki mang nezz." Hinatid siya ni mang nestor hangang sa pinto ng condo unit ni Kenjie Hoffman. Ngunit nagpaalam agad ito na hindi na ito magpapakita kay Kenjie na kasama siya. "Sige mang nezz babush. Ingat ka po" "Salamat po ma'am" Nang makalayo na si mang nestor ay doon palang siya nag door bell sa condo unit ni Kenjie. Sa totoo lang sa loob ng dalawang linggo mula ng makilala niya ito ay hindi na ito nawala sa isipan niya. Minsan pa ay napanaginipan niya ito. Nakakaramdam siya ng pananabik sa muli nilang pagkikita. Ngunit naka-ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin nagbubukas ng pinto sakanya Ang sabi ni mang nestor nasa condo unit daw si Kenjie ngayon dahil nag file daw ito ng leave ngayong araw sa opisina nito. Muli siyang nagdoor bell ngunit wala paring nagbubukas ng pinto. Mahigpit ang security sa buong condo ni Kenjie mula pa sa lobby dahil maraming reporters ang nag aabang ng maibabalita tungkol dito. Mabuti nalang at ginabayan siya ni mang nestor sa secret na daanan papunta sa condo unit ni Kenjie Si Kenjie Hoffman kasi ang pinakasikat sa magkakapatid na Hoffman. Paano ba naman ito lang ang pumasok sa modeling kahit pa nag-gagwapuhan naman rin ang mag kakapatid na Hoffman. Ito lang ata ang may lakas ng loob pasukin ang mundo ng modeling. Number one ito palagi na tinaguriamg pinaka-hot at pinakagwapo sa buong Pilipinas kada taon simula ng sumabak ito sa modeling kaya naman tutok na tutok ang media sa buhay nito. "Kenjie nanjan ka ba?" Muli siyang nag doorbell "Kenjie it's me your jowa" Nilakasan niya ng kaunti ang kanyang boses at muli niyang pinindot ang doorbell Maya maya pa nagulat pa siya ng bumukas ang pinto ng condo unit nito. Ngumiti agad siya upang mawala ang kaba at hiyang nararamdaman niya Mukhang kakagising lang nito dahil magulong magulo pa ang buhok nito at may kumot pa itong nakabalot sa buong likod nito. Para bang masama ang pakiramdam nito. "What are you doing here?" Napansin agad niya ang paos na boses nito "M-May sakit ka?" Balik tanong niya dahil nag alala agad siya para dito Nakasimangot lang ito ngunit niluwangan ang pinto at dahan dahan itong pumasok muli sa loob. Sinundan niya ito at sinarado niya ang pinto. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit nito sakanya bago ito humiga sa malaking itim na sofa. Muli nitong binalot ang katawan nito ng kumot na para bang giniginaw ito. Kahit nahihiya siya ay nilakasan niya ang kanyang loob at nilapitan niya ito. Sinalat niya ang nuo nito upang pakiramdaman kung may lagnat nito "Naku po ang init mo.." Nag alala agad siya ng masalat niya ang mainit nitong nuo. Hindi na siya nag dalawang isip pa kumilos agad siya upang kumuha ng bimpo. "Saan nakalagay ang mga bimbo ditey?" Tanong niya kay Kenjie Naghalughog kasi siya sa mga drawers ngunit wala siyang mahanap na bimpo Hindi sumagot si Kenjie kaya pinagpatuloy nalang niya ang paghahanap sa bimbo hangang sa nakakita siya sa kusina. Mukhang basahan iyon para pamunas sa lamesa ngunit napakalinis naman at mukhang hindi pa nagagamit kahit isang beses. Kaya iyon nalang ang gagamitin niya upang ipang hilamos kay Kenjie. Kumuha siya ng ice cubes sa loob ng fridge ni Kenjie at nilagay niya iyon sa isang tupper ware. Wala kasi siyang mahanap na plangana. Inilublob niya ang bimpo sa malamig na tubig at agad siyang bumalik sa kinaroroonan ni Kenjie Gising parin ito at nakatingin lang sa ginagawa niya. Tahimik lang siya nitong pinagmamasdan habang nasa kusina siya kanina. Nang lumapit siya dito ay napakunot ang nuo nito. Piniga niya agad ang bimpo. "Wala akong sakit napagod lang ako sa work ko--" Hindi niya pinansin ang sinasabi ni kenjie at sinimulan na niyang idampi ang bimpo sa nuo nito. "Anong waley ka diyan? Muntik na nga mawala yang boses mo eh" Pumikit nalang ito at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon titigan ang napakagwapo at perpekto nitong mukha. Walang wala ang mga litrato nito sa social media dahil mas gwapo ito sa personal at sa ganito kalapit. "Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong nito habang nakapikit. Mukhang nagiginhawaan naman ito sa pag pupunas niya ng malamig na bimpo sa nuo pisngi at leeg nito. "Nandito ako para pumirma na sa kontrata mo" Muli itong napadilat dahil sa sinabi niya "Baka umatras ka nanaman?" Bakas sa boses nito na masama talaga ang pakiramdam nito "Sa isang kondisyon." Napataas ng kaunti ang kilay ni Kenjie na para bang napapantastikuhan sa kanyang sinabi "What is it?" "Ayoko sanang madadamay ang mga mame ko" "Mame?" Kunot nuong tanong ni Kenjie "Mga mame ko. Sila ang mga taong tumayong magulang ko. Ayokong madamay sila sa mga gagawin natin" Nakatingin lang si Kenjie sakanya "Okay" Maiksing sagot nito bago muling pumikit "Seryoso ako Kenjie. Sila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko kaya ayoko sana silang madamay. Sa loob ng tatlong buwan natin pagpapangap bilang magkarelasyon gagawin ko lahat para balikan ka ng asawa mo" "Nagiging deretso pala yang dila mo pag seryoso ang sinasabi mo" Napapangiti ng kaunti si Kenjie habang nag sasalita siya. "Siyempre naman. Basta tungkol sa mga mame ko seryoso talaga ako" Hindi kumibo si Kenjie ngunit nakikinig lang ito sa kanya. "Mabait ba sila?" Maya maya tanong ni Kenjie habang hinihilamosan niya ito "Ha?" "Yung mga mommy mo" "Oo naman yes! Sila na ata ang pinakamabait na mga tatay na may pusong nanay" Napadilat itong muli "Hmm Gays?" Paos parin nitong tanong sakanya. Para bang nakikipag kwentuhan ito. "Oo.." Nailang tuloy siya dahil sa kanilang posisyon. Masyadong malapit ang mukha nito sakanyang mukha. "Kaya pala marunong kang mag salita ng kakaiba.. I like gays." Napangiti ito ng kaunti Namilog ang kanyang mata "Oh my gee! You mean may naging jowabells kana rin na gay? Hmm baklush ka rin?" Napatawa ng kaunti si Kenjie dahil sa sinabi niya. "I never had one. Babae lang ang gusto ko. Hindi rin ako bakla. What i mean is- Mababait kasi ang mga bakla sakin kaya gusto ko sila as a person. Marami akong fans na bakla at sila pa yung kadalasan nagtatangol sakin sa i********:" "Tama ka jan! Mababait talaga sila lalo na ang mga mame ko. Masaya silang kasama" Ngumiti lang ng kaunti si Kenjie at pumikit itong muli. "Pag nakatulog ako huwag kang aalis" Sabi nito habang nakapikit "Okay magpipirmahan pa tayo eh" Mukhang narelax ito dahil sa ginagawa niyang pag hihilamos ng malamig na tubig. Nakatulog si Kenjie kaya naman naki-alam na siya sa kusina nito. Balak niyang magluto ng lugaw o sopas. Mabuti nalang at kumpleto sa sangkap ang kusina nito. Napili niyang magluto ng arozcaldo. Nakakadalawang oras ng natutulog si Kenjie at mayat maya niyang sinasalat ang nuo nito. Nawala na ang lagnat nito marahil dala ng pagod kaya ito nilagnat. Nang malapit na siyang matapos sa pagluluto ng mapansin niyang may nakatayo sa bandang pintuan ng kusina Napatili tuloy siya "Ay kabayong bungal!" Tili niya Nakasandal kasi si Kenjie sa pinto habang pinapanuod siyang mag luto "Magugulatin ka pala" "Naku tinakot mo naman akech! mabuti nalang hindi ko itech natapon" "Ano yang niluto mo?" Lumapit na ito sakanya at mukhang maayos na ang pakiramdam nito "Lugaw. Kailangan mo to para gumaling kana" Sabi niya habang hinahalo niya ang lugaw. Naglagay siya ng dalawang mangkok sa lamesa na punong puno ng lugaw. Maya maya pa umupo na ito sa hapag kainan at tinikman ang kanyang nilutong lugaw "Masarap ba?" Tanong niya "I used to dream that my wife would cook for me too" Mababakas sa mukha ni Kenjie ang lungkot "H-Hindi ba siya nagluluto?" Naiilang na tanong niya. Para kasing may kumurot ng kaunti sa kanyang puso dahil sa sinabi nito "Hindi eh." Muling kumain si Kenjie ng lugaw at mukhang nasasarapan naman ito sa luto niya Hindi niya alam ang kanyang sasabihin kaya nanahimik nalang siya. "Do you cook for your boyfriend too?" Maya maya tanong ni Kenjie kaya muntik pa tuloy siyang masamid "W-Wala pa kong nagiging jowabels. Walang nagkamali" Biro niya habang pilit ang kanyang ngiti "Why? Okay ka naman ah" Umakyat ata lahat ng dugo niya sa kanyang ulo dahil namula ng husto ang kanyang mukha. Kakaiba ang naging epekto ng sinabi nito sakanya. Kinilig siya hangang sa pinakahinliliit na daliri niya. Pinigilan niya lang mapangiti dahil baka mahalata nitong kinikilig siya "T-Truelaloo. Okay naman ako darating din yun si Mister right" Ngumiti lang si Kenjie "I think we can be friends" Maya maya ulit sabi nito "Ha?" "Mabait ka naman pala eh. Inalagaan mo ko. Wala pang gumagawa sakin niyan not even my mom" Uminom ito ng tubig at nahalata niya ang lungkot na dumaan sa mga mata ni Kenjie "B-Bakit? Hindi ka ba inaalagaan ng mom mo?" "They were always busy. At isa pa hindi naman ako ang priority nila. They love my elder brothers and my youngest siblings." "Ganon ba?" Napainom tuloy siya ng tubig. Marami palang hanash si Kenjie sa life nito. Ngayon lang niya narerealize kung bakit ito babaero. Marahil naghahanap talaga ito ng kalinga at pagmamahal na hindi parin nito nararanasan hangang ngayon "It's hard when your in the middle. Hindi ka na tututukan ng parents mo" Malungkot nitong kwento sakanya "Halika magpa-ampon ka nalang rin sa mga mame ko" Biro nalang niya upang gumaan muli ang usapan nila. Damang dama niya kasi ang hugot ni Kenjie. Ngumiti ito "Yeah sure" "U-Ubusin mo yan para gumaling kana agad." Nataranta kasi siya ng ngumiti ito mas lalo itong gumwapo! Pagkatapos nilang kumain ng lugaw hinugasan niya ang pinagkainan nila. Naabutan niya itong nanunuod sa living room habang nasa harapan nito ang blue folder "Ayan na pala ang kontrata nating bonga." Aniya kaya napatingin ito sakanya "Yeah. Pirmahan mo na baka magbago nanaman ang isip mo" Kahit papano natutuwa rin siya dahil pakiramdam niya nagkalapit ng kaunti ang kanilang damdamin ni Kenjie. Hindi man sa romantikong paraan masaya na siya kahit bilang kaibigan lang. Umupo siya sa katapat nito at binuksan niya ang blue folder "Ano babasahin ko pa ba itech ulit?" Biro niya kaya napangiti ito. Natutuwa na siya sa tuwing ngingiti ito pakiramdam niya napapasaya niya ito kahit papano "Hindi na baka umatras ka nanaman eh" Tumawa siya bago niya kinuha ang ball pen sa gilid at pumirma siya sa kontratang ginawa nito "Ayan na. I'm officially your jowa" Biro niya lang kay Kenjie habang nakangiti siya ngunit napansin niyang nag iwas ito ng tingin sakanya. O baka guni guni niya lang? "Yeah. Thats good. Salamat sa tulong mo babalik rin yan si cassy sakin" Unti unti naman nawala ang maganda niyang ngiti. "O-Oo nga tama! Gagawin natin lahat para magkabalikan kayo" Labas sa ilong niyang sabi kay Kenjie Ngumiti lang ito. "G-Gusto mo ba talagang bumalik yung asawa mo sayo? Dapat mag date tayo sa public places" suwestiyon niya "I don't do dates. Alam ni cassy hindi ako nakikipag date kahit babaero ako" "Edi mas okay yun. Iisipin ng ex wife mo seryoso kana sakin at mas magseselos siya. O diba?" Napapatango ito at naiisip nitong may point siya. "You're right. Sige saturday mag date tayo sa public places" Pagpayag nito "Pero Kenjie pwede ba akesh mag request sayo?" "Sige ano yun?" "Pwede ba Casandra nalang itawag mo sakin para you know alam ko kung si cassy the ex wife ang tinutukoy mo or akesh?" Ngumiti lang ng simple si Kenjie "Sure sige. Ayaw mo ng gatecrasher?" Biro pa nito sakanya "Anu ka bey. Hindi talaga kami gatecrashers no. Nakakahiya kaya yun narinig pa ng mga bisita loko-loko ka talaga" Natawa ito sa sinabi niya dahil nagtutulis nanaman ang nguso niya "Anyway highway uuwi na akesh." "Uuwi kana agad?" Kunot nuong tanong nito Nais niyang mapangiti dahil nag enjoy ata ang gwapong ito habang kasama siya? "Oo no gumagabi na oh? Tska may raket pa kami ni Heidi mamaya kaya uuwi na muna ako" "Oh okay." Maiksing sagot nito bago siya hinatid pa sa pinto. Pakiramdam niya talaga nag level up ng kaunti ang trato ni Kenjie sakanya. Nakayuko ito sa cellphone nito at parang may itinetext ito. "Bye jowa" Biro niya Ngumiti ito "Okay jowa" Gaya nito sa salita niya kaya siya naman ang natawa "I already texted mang nestor. Ihahatid ka niya sa bahay niyo" Napangiti siya ng husto. Kaya pala nagtetext ito ay para ipahatid siya "Naku nakakahiya naman kay mang nezz. Magtataxi nalang akech--" "It's alright. Hindi kasi kita mahahatid dahil masakit pa ng kaunti ang ulo ko" "O-Osige salamat jowa--" "Nga pala paano ka nakatakas sa mga reporters kanina?" "Naghanap ako ng pwede kong daanan" Palusot niya "Doon ka ulit dumaan dahil marami parin reporters sa baba" "Okay jowa see you sa saturday" Ngumiti ito "Okay see you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD