bc

You Broke Me First

book_age16+
1.9K
FOLLOW
7.8K
READ
second chance
badgirl
independent
student
instrumentalist
drama
bxg
campus
disappearance
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sa mga mata ng taong nakakakilala kay Chrome ay isa siyang mahirap at nakakaawa. Ngunit, what if it turns out na isa pala siyang anak ng mayaman na lalaking tinalikuran niya nang matagal na panahon?

She is Aquia Chrome Smith, an independent women, cold hearted and she hates her Father. Pinagkaitan siya ng lahat-- yung tipong parang tinalikuran niya na ang mundo pero ang totoo, ANG MUNDO ANG UNANG TUMALIKOD SA KANIYA.

She never believe in love but until she met Sean... ang lalaking magpapabago sa takbo ng buhay niya.

Ngunit? Totoong pagibig nga ba ang natagpuan niya or she will feel pain like the person who broke her first?

Tatalikuran niya na nga ba ang mundo na unang tumalikod sa kaniya o babangon siya para maghiganti lalo na at isa na siyang CEO ng isang kilalang kompanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
• CHAPTER 01 • ( Bakit?! May mai-pag mamalaki ka na ba Chrome?! Babasak at mag hihirap ka lang! ) "Mas gugustohin ko pang mag hirap, kaysa humingi ng tulong sayo." Madiin at walang emosyon na sagot ko. (Tandaan mo ito Chrome, oras na maka uwi ako diyan, hanapin kita at sisiguraduhin ko na babalik ka sa'kin!) Galit na bulyaw ng nasa kabilang linya. "You can't, because I won't let you. Ngayon pa ba na nakaalis na ako diyan." Madiing saad ko at ibinaba na ang tawag at nag patuloy na lang ako sa pag lilinis ng gitara ko. Ilang ulit na rin na nangyari yung pag tawag niya sa akin. Mahigit tatlong taon na rin kung susumahin. Napa balik lang ako sa pag iisip ng may biglang tumawag sa pangalan ko. "Chrome!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko doon si Cross na kumakaway. 'Tsss, para talaga siyang bata.' Napapailing na sabi ko sa isip ko. Dahan dahan kong ibinaba yung gitara ko at tuluyan nang humarap sa pwesto niya. "Para kang bata." Walang ganang saad ko na ikina haba ng nguso niya. Siya si Nathalea Cross Ford, matagal ko na siyang kakilala dito sa bar na pinag tratrabahuhan ko, kasama ko rin siya sa banda. Maingay siya at parang isip bata. "Grabe ka naman sa'kin Chrome!". Naiinis na saad niya sa'kin habang nag papadyak sa sahig. Tsk. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na isinukbit yung gitara ko sa balikat at nag lakad papalayo sa pwesto niya. Narinig kong tinawag pa niya ako pero di ko na lang siya pinansin at tuluyan nang lumabas sa bar. Kailangan ko pang pumasok sa isa ko pang part time job, para mabili ko na yung kailangan ko sa isang thesis na di ko pa matapos tapos. Mabilis naman akong naka dating sa isang resto na pag mamay ari ng isang matandang dalaga. Agad akong pumasok nang mapansin kong maraming taong kumakain sa loob. Pumasok ako sa stuff room para mag palit ng damit. Mabilis lang naman akong naka pag palit at agad ding lumabas upang maka pag-serve na ng pagkain sa mga customers. "Good evening Ma'am. May I take your order?" Tanong ko sa isang babae na sa tingin ko ay nasa edad 40's na. Tumingin siya sa akin at walang kaamor amor na tinaasan ako ng kilay. Ipina-natili ko ang walang emosyon kong mukha at tumingin din sa muka niya. "One slice of cinnamon flop coffee cake, two muffins and just glass of pink lemonade" Maarteng saad niya sa akin. Alam ko pa lang sa klase nang tingin na ibinabato niya sa'kin, hahaha. Ano nga bang laban ko sa mga katulad niya. Napapa iling na nag lakad na lang ako papalayo at iniabot dun sa cook yung papel na may order nung babae. Matapos maihanda ang pagkain, dinala ko ito dun sa lamesa at basta na lang itong inilapag at agad ding umalis para mag patuloy na sa pag dala at pag hingi ng orders ng iba pang customers-- hanggang sa bigla na lang may na basag. Napalingon ako at nakita ko yung babae kanina na umorder sa'kin. Lahat tuloy ng customers ay napa tingin sa kaniya. Nabagsak pala yung pink lemonade niya at na basa yung sapatos niya gawa ng pagka bagsak nito. Agad akong kumuha ng walis at dustpan para linisin yung nabasag. "Damn it!"Rinig kong saad nung babae. Hindi ko alam kung ako ba yung sinasabihan niya o yung aksidente niyang nagawa kaya naka tingin ang lahat sa pwesto namin. Inangat ko yung ulo ko at nasalubong ko yung mga titig niya. Hindi ko alam pero naka kita ako ng galit at hiya sa mga mata niya. Hindi na lang ako umimik at nag patuloy sa pag lilinis. Dinadampot ko yung mga malalaking bubog sa sahig ng bigla kong mabitawan yung isang malaking bubog. "Shit!." Mahinang bulong ko nang makita ko yung hintuturo ko na dumudugo. Hays. Ipinag sawalang bahala ko na lang ito at agad na tinapos yung pag lilinis. Tumayo na ako mula sa pag kakaluhod sa sahig at maglalakad na sana papunta sa basurahan upang itapon yung bubog, nang mapatigil ako sa pag lalakad dahil may marahas na humigit sa braso ko. Hindi ako lumingon dahil alam ko naman kung sino yung kumapit sa'kin. "This is all your fault! Kung hindi mo ibiningit ng lagay yung inuming inorder ko, none of this will happen! Look at my shoes! Its ruined! Baka di mo kayang bayaran itong sapatos ko, at hindi pa umabot yung sweldo mo dito pag nalaman mo kung magkano ang halaga nito!" Sabi nung babae sa akin, mababakas ang pang gigigil at galit sa tono ng pag sasalita niya. Naramdaman kong humigpit yung kapit niya sa braso ko kaya hinigit ko yung kamay ko mula sa pag kakapit niya, at nabitawan naman niya ito. Alam kong nagulat yung babae sa ginawa ko, ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Batid kong isinisisi niya sa akin yung nangyari, kahit alam naman niyang wala akong ginawa kaya nabasag yung baso. "Im so sorry Madam from what happened." Pag hingi ng paumanhin ng may ari ng resto nang makalapit siya sa pwesto namin. Hindi ko na ito hinintay pa na makapag salita at agad na akong tumalima para tuluyan nang makaalis at maka layo. Pumasok ako sa loob ng stuff room at itinapon yung kapit kong mga bubog. Pumasok ako sa loob ng wash room para hugasan yung dumudugo pa rin na hintuturo ko. Tinitigan ko itong mabuti at napag alaman kong medyo malalim at malaki yung sugat. Pinunit ko ang laylayan ng damit ko dahil naiwan ko pala sa bar yung bag ko na may laman na extra t-shirt kaya wala akong ibang maitali. Mag tuturo pa naman ako ng pag tugtog ng gitara mamaya. Hayyss. Malas! Extra income na rin yun para hindi ako makapos sa next semester ko. Tapos mag babayad pa ako ng mga bayaran sa bahay. Lumabas na ako sa stuff room at nag simula na ulit na mag trabaho. Medyo mahapdi pa naman yung sugat ko pag medyo nasasagi. Napatingin ako sa relo ko nang mapansin kong mag 4:28 p.m. na. Kaya naman nag ligpit na ako ng mabilis para maka punta ako ng mas maaga sa tuturuan ko. Napatigil ako nang mapansin kong naka upo yung may ari ng resto na ito sa may bintana habang umiinom ng kape. Naramdaman niya ata na may naka tingin sa kaniya kaya napa lingon siya sa may pwesto ko. Hindi ko na lang ito pinansin at nag patuloy na lang sa pag liligpit. Nang matapos na akong mag ligpit ay nag palit na ako ng damit na nakita ko sa compartment ng stuff room at lumabas. Hindi ko napansin na nasa may pintuan pala ng stuff room yung matandang dalaga na may ari ng resto kaya napatigil ako. Alam ko naman kung bakit niya ako iniintay, kaya hindi ko na siya pinagsalita at lumakad na ako papalabas ng resto niya. Bukas na ng umaga yung pasok ko sa academy, tapos natanggal pa ako sa isang trabaho ko. Tatlong taon na rin naman akong tumigil sa pag aaral kasi inalagaan-- nevermind, basta hindi ko pa kaya yung gastos. Kaya ngayon ko itutuloy yung sem na hindi ko natapos, kasi nasusuportahan ko naman kahit papano yung mga gastos para sa pag aaral ko ngayon dahil nag tratrabaho na ako. . . "Put your index finger in the last string. Yan tama yan, idiin mo lang maigi." Kalahating oras na rin akong nag tuturo dito sa bahay ni Mrs. Ferol. Tinuturuan ko kasi yung anak niyang si Miggy. Malapit na rin mag 6:00 kaya makaka uwi na ako. Masakit na rin kasi yung kamay ko dahil sa sugat tapos idinidiin ko pa sa string ng gitara habang nagtuturo ako. Pero tiis tiis lang kasi ito na yung buhay na meron ako eh.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

The Ex-wife

read
210.8K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K
bc

Unwanted

read
510.5K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook