CHAPTER 02

1312 Words
CHAPTER 02 Nag liligpit na ako ng mga gamit ko dahil papauwi na ako ng biglang lumapit sa akin si Mrs. Ferol at ibinagsak sa may paanan ko yung sobre ng pera. Mahigit tatlong buwan na rin naman akong nag tratrabaho sa kanila. Lagi siyang ganiyan kung mag bigay ng sweldo sa akin -- laging pabato, pahagis o kaya naman ay pasinghal. Sanay naman na ako sa ganon kaya naman walang salita na dinampot ko na lang yung sobre at lumabas ng bahay ni Mrs. Ferol na parang walang nangyari. Nag lalakad na ako papauwi ng biglang mag ring ang cellphone ko. *Krinnnnnngggg! Nakita kong si Cross pala yung tumatawag. Nag taka pa ako sa biglaang pag tawag niya kaya hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo. 'Anong problema kaya ni Cross at bigla siyang napatawag sa akin?' Tanong ko sa sarili ko habang sinasagot yung tawag. Nag patuloy lang ako sa pag lakad habang nasa tenga ko yung cellphone nang sagutin ko na yun. "Oh?" Simpleng sagot ko sa kaniya at bumungad ang maingay na tugtog ng back ground. Nasa bar pa rin siguro siya. (Chrome. Hello! Chrome?! Hindi kita marinig kaya sasabihin ko na lang! Pumunta ka muna dito sa bar, absent yung guitarist nung banda ni Terence kaya sinabi kong ikaw na lang muna yung papalit! Extra income din yun! Kaya pumunta ka na dito! Sige bye!) "Pupunta na ako diyan." walang emosyon kong saad kahit alam kong hindi niya naman ako makikinig. Pinatay ko na yung tawag at nag lakad na nang mabilis. Sanay naman na si Cross sa ugali ko, sabi nga niya sa akin dati nung una niya akong naka usap-- ibang iba daw ako sa lahat ng nakilala niya, dahil ako lang daw yung taong may emosyon at nararamdaman tulad ng iba pero hindi ko maipakita sa lahat. Tama naman siya, dahil hirap talaga akong ipakita yung nararamdaman ko sa iba at lalo na sa sarili ko. Ewan ko ba, kahit masaya ako hindi ko magawang ngumiti o tumawa man lang. Laging walang mababakas na emosyon sa mukha ko kaya marami ang lumalayo sa akin. Hindi ko rin naman kailangan ng kasama o ng kahit sino para mabuhay, kaya sanay na ako. Nag simula siguro ito nung mamatay si-- hayys nevermind again. Nasa tapat na ako nung bar nang makita ko si Cross sa labas, dala yung bag ko. Lumapit ako sa kaniya at kinuha yung bag ko mula sa pag kakasakbit nito sa balikat niya at agad ding tumalikod para maglakad papasok sa loob ng bar. Malapit lang naman yung bahay ko dito sa bar, kaya mabilis lang din akong makaka uwi kung gabihin man ako sa mga gig namin. Tumambad sa akin ang ibat ibang kulay ng mga ilaw nung tuluyan na akong nakapasok kaya medyo sumakit yung mata ko, pero agad din naman akong nasanay kaya lumakad na ako papunta sa may back stage at doon ko natagpuan yung isang banda. Napansin naman nila yung pag dating ko kaya napatigil sila sa kani-kanila nilang ginagawa. "Ako muna yung magiging guitarist ninyo ngayong gabi." Walang emosyong saad ko sa banda ni Terence at agad na inilabas yung gitara ko mula sa lagayan nito at nag simulang i-udjust para sa kailangan'g tono ng kakantahin nila. Matagal na rin yang banda ni Terence, mag kasabay kasing nabuo yung banda niya sa bandang sinalihan ko. Mag kakakilala naman na kami pero hindi ko sila kinakausap kasi sa tuwing natatapos yung performance ng banda, umuuwi na kaagad ako. Matapos kong mai-tono ng maayos yung gitara ko, pumunta ako dun sa isang sulok ng back stage na pinag lapagan ko kanina ng bag ko. Kumuha ako ng damit para mag palit dahil sira yung lay-layan nitong suot ko. Isang plain white v-neck tshirt lang yung kinuha ko dahil malinis pa naman yung suot kong rip denim jeans. Pag katapos kong maka pag palit ng damit, saktong mag sisimula na yung banda kaya kinuha ko na yung gitara ko at nag lakad papunta sa may stage dahil nandun na lahat ng myembro nung banda ni Terence. Natapos yung apat na performance ng banda kaya nag liligpit na ako ng gamit ko dahil pagod na talaga ako. Napatingin ako dun sa may daliri ko, dahil nakita kong may tumagos na mantya ng dugo dun sa damit na itinali ko kanina. Siguro dumugo ito kanina habang tumutugtog ako sa stage. Hindi ko na lang ito pinansin at ipinasawalang bahala na lang, at pumunta sa loob nung office ng boss namin para kunin yung sweldo ko ngayong araw. * * * Nasa tapat na ako ng gate nung bahay ko, naiiling na napangiti ako ng mapait nang matitigan ko ito ng mabuti. Matagal tagal na rin simula nung matitigan ko ito ng maiigi, dahil na rin sa pagka busy ko sa mga trabaho ko kaya wala na akong kahit kaunting time. "Ganun pa rin pala ito. Wala pa ring ipinag bago." Piping saad ko sa sarili ko. Mula sa kulay at desenyo, walang ipinag kaiba sa itsura nito dati. Kumukupasna rin ang kulay nung marmol at sahig pero nandun pa rin yung bakas ng dating kulay. Pumasok na ako sa loob at pa bagsak na umupo sa maliit na sofa. Papasok pa pala ako bukas sa bagong University kaya kailangan ko ng magpahinga. Hindi na ako nag abala pang mag palit ng damit at agad na ding nahiga sa sofa. . . KINABUKASAN Papalabas na ako sa bahay ko ng biglang mag ring ang phone ko. Agad ko yung kinuha sa bulsa ko at pangalan na naman ni Cross ang nasa caller ID. Hayyss. Ano na naman kaya ang problema nito? (Chrome!!!")Di pa nga ako nagsasalita ay sigaw niya kaagad ang bumungad sa'kin. Lagi naman diba? Bakit di pa ba ako nasanay? Hays. "Oh?" Walang ganang sagot ko sa kaniya habang patuloy na nag lalakad papunta sa academy na papasukan ko, tutal malapit din lang naman yun dito sa bahay. Actually, hindi naman sobrang lapit pero walking distance siya. Naglalakad lang talaga ako kasi sayang sa pamasahe. (Chrome naman eh, siglahan mo naman yung bungad mo sa'kin. Di ka ba masaya na tumawag ako sayo?) " Sabihin mo na lang kung bakit ka tumawag sa'kin Cross. Wala akong time diyan sa mga pakulo mo." Walang ka gatol gatol na saad ko sa kaniya kaya natahimik siya sa kabilang linya. Ayoko lang na dinadaan niya ako sa mga ganyang pakulo niya kaya ganyan ako mag salita. Bahala na siya kung magagalit siya sa'kin sa sinabi ko-- basta di ko na yun problema. (Hays, Oo na. Tumawag ako para sabihin sa'yong-- papasok na uli ako Chrome! At pareho tayo nang papasukang university!!!) Masayang sabi niya sa'kin sa kabilang linya. Yun lang naman pala yung sasabihin niya kaya ibinaba ko na din yung tawag kahit na hindi man lang ako nag goodbye sa kanya. Well, alam kong sanay na siya doon kaya okay lang. Dinala ko na rin yung gitara ko para di na hassle pag papasok na ako sa bar mamaya. Para hindi na ako umuwi at sa bar na lang ako mag bibihis. Hindi nagtagal ay halos hindi ko napansin na nasa harap na pala ako nung university. Habang nag lalakad ay naramdaman ko na lang na may sumabay sa pag lalakad ko. Pag lingon ko, nakita ko si Cross na naka ngiti sa akin. Nag patuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na lang siya pinansin hanggang sa malapit na akong maka pasok sa loob-- SANA-- kung hindi lang ako hinigit ni Cross. Nag tatanong akong lumingon sa kaniya ng hindi niya pa rin ako binibitawan. "Let go off me Cross." Puno ng awtoridad na banta na sabi ko sa kaniya kaya napa bitaw siya sa akin. Hindi ko na siya nilingon pa at nauna nang naglakad, pero sumabay pa rin siya sa akin kaya di ko na lang siya pinansin. WEIRD! . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD