CHAPTER 03

1184 Words
CHAPTER 03 Nakarating ako sa tapat ng principal's office, hindi na ako nag abala pang kumatok at pumasok na lang ako bigla. Natagpuan ko ang isang matandang lalake na sa tingin ko ay nasa 60's na, Siya siguro yung principal. Nakuha ko ang pansin ng principal dahil sa tunog ng pagsara ng pinto kaya napa tigil siya sa ginagawa niya. "Don't you have manners Miss?! Hindi ba itinuro sa inyo na kumatok muna bago pumasok?!" Nang gigigil na sigaw niya sa akin. Tiningnan ko lamang ito saglit at di nag salita saka umupo. Bumukas muli ang pinto at pumasok si Cross na gulat na gulat. "Good morning po." Nahihiyang bati nito sa principal at agad na lumakad papalapit sa pwesto ko. "Ano ka ba Chrome?! Bakit bigla mo na lamang akong iniwan sa labas?" Naiinis na sabi niya sa'kin. Tiningnan ko lamang siya saglit at hindi na siya pinansin. " Mag e-enroll po kami dito Sir. I'm Nathalea Cross Ford and siya naman po si Aquia Chrome Smith." Nag usap lang sila ni Cross sandali kaya pinabayaan ko na lamang sila. Hindi ko napansin na naka lapit na pala si Cross sa tabi ko dahil masyado akong busy sa pag kutingting ng gitara ko. Naka enroll na pala kami, inenroll nya na din pala ako, kaya tumayo na ako at hindi na ito pinansin. Nag lakad na lang ako papalabas ng principal office ng hindi nag sasalita. Wala akong kibo habang patuloy na nag lalakad papunta sa assigned room namin, ng biglang mag salita si Cross. "Chrome. Galit ka ba?" Alanganing tanong niya sa akin. Nilingon ko siya at tiningnan lang saglit at agad ding nag patuloy sa pag lalakad na para bang walang kausap. Napansing kong wala ng kahit isang tao sa path way, dahil siguro nag sisimula na ang mga klase. Nakarating kami sa tapat nung pinto ng room, papasok na sana ako ng may biglang kumapit sa braso ko kaya napatigil ako. "Don't touch me." Malamig na saad ko nang hindi lumilingon kaya agad akong binitawan ni Cross. Nilingon ko sya at nakita kong alanganin niya akong nginitian at umiling. "Ako na Chrome, alam kong di ka na naman kakatok." Natatawang saad niya kaya hinayaan ko na lamang siya. Alam naman niyang di talaga ako kumakatok pag pumapasok sa kahit saang lugar. Pina una ko na si Cross na pumasok at nag pahuli ako. Nang maka tapak ako sa loob, napansin kong lahat ng tao ay napa tingin sa pwesto ko. Tsss. Nang inilibot ko ang aking mga mata, nakita ko si Terence na nakatingin din sa akin pero di ko na yun pinansin. Pinabayaan ko na lamang ang mga titig nila at tumingin sa unahan ko, kung saan nakatayo si Cross na kausap yung teacher. "Transferee?" Tanong nung teacher kaya marahang tumango naman si Cross. "Please introduce yourself in front of your fellow classmates." Nakangiting sabi nung teacher sa amin habang itinuturo ang unahan. Lumakad si Cross sa unahan para mag pakilala. "Hi, I'm Nathalea Cross Ford. But you can call me Cross." Lumingon sa pwesto ko si Cross at sumenyas sa akin na ako naman daw ang magpakilala kaya wala na akong nagawa pa kung hindi lumakad na lang rin sa unahan. " I'm Chrome, Aquia Chrome Smith." Simpleng sabi ko at maglalakad na sana ako sa dati kong pwesto nang marinig kong mag salita yung isang babaeng matinis ang boses. "Are you related with Mr. Ruther Smith, the owner of this university?" "No." Walang kagana gana kong sagot dito at tuluyan nang bumalik sa dati kong pwesto. "Nice to meet you Miss Nathalea and Miss Aquia---" "It's Chrome." Putol ko sa pag sambit ng Teacher ssa pangalan ko. Ayokong tinatawag ako sa first name ko, tsss. Never mind. "Anyway, Please be sitted." Naka ngiti niyang sabi sa amin at itinuro yung upuan katabi ang apat na lalake kasama si Terence. Nag lalakad ako papunta sa pwestong iyon ng marinig ko ang bulong bulungan nung dalawang babae sa unahan ko. * She look so familiar, I think I've seen her before, I just can't remember when and where. *Yeah, napansin ko nga yung mga mata nya. Parang nakita ko na nga din yun dati. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tulayan na akong naupo sa katabi si Cross. Kilala man nila ako o hindi ay wala na akong pakialam doon dahil ako? Wala akong balak na kilalanin sila. *** Nang matapos na yung klase ay tumayo na ako at naglakad papalabas ng hindi iniintay si Cross. Hindi naman ako kakain eh. Dahil nag titipid ako. Tahimik lang ako na naglalakad nang maramdaman ko na may biglang sumagi sa'kin pero di ko na iyon pinansin at nagpatuloy na lang uli. Nakarating ako sa isang malawak na ground kung saan kakaunti lamang ang mga taong nag lalakad, naupo ako sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno ng nara kaya malilom ito. Inilabas ko sa lagayan yung gitara ko at inilagay sa tabi ko. Isinandal ko ang aking likod sa bench at tumingala sa langit. Medyo makulimlim ang langit dahil sa mga ulap kaya nabawasan nito ang init. Sa sobrang comfortable ng paligid kaya naman halos hindi ko namalayan na tapos na pala ang break time. Tumayo na ako at inayos ang aking gitara tsaka naglakad na papunta sa room namin. Pag pasok ko sa loob, napagawi ang aking mga mata sa pwesto ko kanina kung saan nakita ko si Cross na seryosong nag kukuting-ting ng phone niya. Nakinig kong tinatawag ako ni Terence pero di ko na lamang ito nilingon at umob-ob na lamang sa desk ko at pumikit. Napa mulat ako bigla nang tumunog ang phone ko na nasa bag ko. Lingid sa kaalaman ko na lahat ng nasa loob ng room na yun ay nakatingin sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, nagulat at nagtaka ako dahil sa pangalang naka registered sa caller ID. Nakaramdam ako ng sobrang galit dahil sa nakita ko. My hand form into a fist at kulang na lang mamula ang aking kamay dahil sa higpit ng pagkakapit ko sa phone ko. 'Fuck the hell out of him for calling me again!' Nabulong ko na lamang sa hangin habang nakatitig pa rin sa phone ko na tuloy tuloy pa rin sa pag ring. Nag dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Pero sa huli, agad na akong nag lakad papalabas ng room at tumigil sa isang madilim na sulok na malapit sa hagdanan para sagutin ang tawag. Alam ko kasi na hindi siya titigil kung hindi ko sasagutin ang tawag niya. "What the hell do you want?!" Malamig na bungad ko dito, wala akong narinig mula sa kabilang linya na lalong ikinagalit ko. Anong karapatan niyang tumawag sa akin?! Paano niya nalaman ang number ko? Naka ramdam ako ng kaba at galit. Sobrang galit. " Im going to get you Aquia--" "CHROME IS MY FUCKING NAME! "sigaw ko at pinatay na yung tawag. Hindi lang yung tawag ang pinatay ko kundi pati na rin ang mismong phone ko. BULLSHIT!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD