CHAPTER 40 MAY BAKAS ng matinding pag-aalala sa mukha ni Sean na siyang nabanaag ni Sheena habang naghihintay sila sa paglabas ng doctor sa operating room. Naroon sa loob ang tiyahin nito na naabutan niyang nasa ibaba ng hagdan ng bahay ni Sean at walang malay. Agad siyang tumawag ng tulong para madala ang ginang sa ospital at doon na sila nagkita ng kapatid saka sister-in-law nito. Nasa isang sulok lang siya kasama si Lucille na abala sa pinanonood nito sa cellphone ni Sean. Walang nagsasalita sa mga kasama niya at tingin niya ay may problema sa pagitan ng mga ito. Higit isang linggo na mula ng isiksik ni Sean ang sarili sa unit niya. Pilit 'man niya itong itaboy ng paulit-ulit ay hindi natitinag ang binata. Nanatili pa rin ito sa tabi niya kahit pa may sarili naman itong bahay at lupa.