CHAPTER 39 “PA-AKYAT na ako, baby, ibaba mo na ito at ibigay kay Ate Nadine,” Sumunod naman agad sa kanya agad si Lucille at pinatay nga ang tawag sa kanya. Inisa-isa niyang binasa ang text na pumasok habang kausap ang anak sa kabilang linya. Lahat ay work-related ngunit may isang naiiba at bago pa niya mabasa ng buo, nakita na ng dalawang mga mata niya ang nagpadala noon. Kumamot pa sa batok ng magtama ang kanilang mga mata saka alangan na ngumiti sa kanya. Dahan-dahan siyang lumakad palapit dito at matamang sinipat ang bitbit nitong duffle bag. “Magpapa-ampon ako sayo.” Diretso nitong sabi sa kanya. “Ayos lang kung sa sofa ako matulog, promise.” Napahalukipkip siya. “Since when did my unit become an orphanage?” tanong niya dito. “Ngayon lang. Ayokong umuwi at mag-isa lang naman ak