CHAPTER 37 “STOP thinking about it, Sean. Come on, alagaan mo na lang itong anak mo para malibang ka.” Iyon ang sinasabi kay Sean ni Krisan saka pinasa na si Lucille. Ito ang naghatid sa kanya sa bata ngayon at simula ng may mangyari sa kanila ni Sheena three months ago, ganun na ang naging routine para lamang hindi sila magkitang dalawa. Balik na naman sa pag-iiwasan na akala niya noong una ay ayos na sila. Sheena already let him in and he felt in. Hindi siya maaring magkamali doon kaya naman ngayon, litong-lito pa rin siya. “How is she?” tanong niya pa uli. Krisan chuckles after passing him Lucille’s bag. “She’s doing fine. Nakalipat na siya sa bagong unit niya at solo na nila mag-ina iyon. Napasok na din siya sa Inkwell Creatives ngayon since si Tita na ang nag-aalaga kay Lucill