CHAPTER 36 TILA hindi natatapos ang gawain ni Sheena at nais na lang niya humingi muna ng pahinga kahit isang araw lamang. Sa umaga, pagtunong palang ng alarm niya o kung minsan ay nauuna pa siya doon, kailangan na agad bumangon kahit nais pa matulog ng kanyang katawan. Ihahanda ang almusal ng kanyang unica hija, lilinisin ang mga feeding bottle nito at lalaman ng refill pagkatapos ma-sterelize. Tuloy-tuloy ang gawain niya mula sa pagpapaligo at pakikipaglaro dito bago maupo sa harap ng laptop niya upang magtrabaho. By lunch, she’ll prepare a meal for her daughter again, magliligpit ng mga kalat nitong laruan sa sahig para hindi maka-aksidente at color drawing nito sa pader ng bahay ng kanyang ina. Makikipag-usap siya uli sa mga ka-team sa Inkwell Creatives kapag napatulog na si Lucille