AMIRA After naming malaman na buntis si Hayashi, hindi ako tinantanan ni Phobos sa kakakulit. As much as gusto ko na ring magbuntis at mabigyan siya ng katapat niya, hindi muna ngayon dahil kailangan kong umalis ng bansa ng tatlong buwan after naming ikasal which is mangyayari na ngayon. Time flies surely fast. Isang buwan na pala ang nakakalipas after naming magsaya nang sobra, ultimo hindi na kami makatayo dahil sa kalasingan. Sa bar na kami nina Hayashi natulog, at paggising namin no'n, we laughed dahil sabog-sabog ang aming itsura. I missed them. Hindi ko alam kung pakulo lang nila na hindi na masundan ang jam na 'yon because malas din daw kapag nakipagkita sa soon to be bride. Nakakaloka, dahil dapat si Phobos ang hindi ko makita, pero bakit sila 'yong lumayo? Maaga akong nagising

