ZCHICK APOLLO Aligaga ang lahat. Maingay, punong-puno ng excitement ang kanilang mga mukha't tinig. Nakakatuwa silang pagmasdan. "Nasaan na 'yong sapatos! Bilis! Anong petsa na!" "Akira? Si Akira, nabihisan mo na ba? Kamatayan?" Lumaki akong mulat na hindi ako normal. Noong bata ako, imbes na maglaro sa labas at masugatan, nanatili akong nakakulong sa kwarto, sa bahay. Hindi ko alam noon kung anong mali sa akin dahil ang tanging ibinigay na impormasyon lang ng magulang ko ay naiiba ako sa lahat. Na espesyal ako kaya kailangan kong manatiling mag-isa. Akala ko, isang magandang bagay iyon, ngunit nagkamali ako. Dahil kahit kailan, walang naibigay na magandang ala-ala sa akin ang pagiging isa sa mga isinumpang nilalang. Magandang buhay na kung maituturing ang tumira sa malaking bahay at

