PHOBOS "Akala ko ba dinala mo si Amira sa clinic? May tama rin siya, di ba? Sabi mo? Kaya ka nga gali--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Crik noong mapagtanto kong may sugat nga pala si Amira sa kanyang binti. Dali-dali akong tumakbo palabas habang nagmumura dahil malakas na ang buhos ng ulan. "Sht! Sht! Sana, walang nakaamoy ng dugo niya," pakiusap ko sa kawalan habang mabilis na tinungo ang soccer field. Pagkarating ko, nakita ko ito na pagewang-gewang na tumatakbo. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa katangahang ginawa. Masyadong nabalot ng galit ang puso ko noong makitang nakapatong si Deimos sa kanya sa kama. "Hutanes ka talaga Aphrodite! Inggitera ka talagang bruha ka! Ano masaya ka na? Tsk, mas maganda pa rin ako sa iyo tandaan mo yan!" rinig kong sigaw nito.