AMIRA "Naks naman bakla! May letter ka na naman! And take note lima pa! Hahahaha!" tatawa-tawang bulalas ni Hayashi habang pinagmamasdan ang mga pulang sobre. "Boba ka! Anong nakakatawa sa pagkakaroon ng limang warning letter, aber?" iritableng tanong ko. Bwesit kaya alam nyo 'yun? Di pa nga ako nag-iisang buwan dito sa SAA, ang dami ko na agad pinoproblema. Magmula sa kamanyakan ni Phobos, kabaliwan nina Deimos at Crik, tapos ngayon may salimpusa pang umaaligid sa akin. Susko! Tapos dadagdagan pa nitong mga pa-warning-warning na ito. "Ano ka ba! Wag kang masyadong mamroblema because you have me naman. Sabay nating papatayin ang mga pangahas na nanghahamon sa iyo," natatawang tugon nito. Inirapan ko na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Kailangan kong bumawi dahil ang bobong si