AMIRA'S POV
"Tabi--"
"Uhm, excuse me? You're blocking the way--"
"What the fck?! Ang aga-aga! Alis!"
"Hello? Can you get out of the way?"
Hindi ko alam kung panaginip ko lang ba iyon o totoong nangyari dahil nagising na lang ako kaninang umaga na nasa kama ako tapos noong sinalat ko ang aking balikat, wala naman akong nakapang sugat o ano pa mang senyales na kinagat ako ni Phobos sa parteng iyon.
"Ara--pucha!" bulalas ko no'ng may bumangga sa balikat ko. Pagkaangat ko ng tingin, isang uhuging babae ang mataray na nakatitig sa akin. "Anong problema mo, ah?" iritable kong tanong. "Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo. You're blocking the daanan," maarte nitong sagot. Luminga ako sa paligid tapos noong tama nga siya ng tinuran, tumikhim muna ako bago gumilid. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na tumigil pala ako sa paglalakad.
Aiiissh! Bwesit naman kasing lalaking 'yon! Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko 'yong utak ko ngayon dahil hindi ako pwedeng magkamali, eh! He bit me yesterday and it's freaking hurt!
Hmmm, bahala na nga! Kay aga-aga, nawiwindang ako rito. May kailangan akong asikasuhin at problemahin kaya chupe na 'yang Phobos na 'yan sa isip ko.
I flipped my hair as I walk down the aisle. Charot! Papunta ako ngayon sa Registar's office para makiusap na kung pwede gawan ng paraan 'yong tuition ko. O kaya baka naman mabibigyan nila ako ng scholarship. Swear! Magtitino at magsisipag talaga akong mag-aral.
Pagkarating ko doon sa bonggang opisina, dali-dali kong nilapitan si Ms. Venus. Medyo nahihiya pa akong umupo dahil wala naman akong bitbit na monarkiya para bayaran ang aking napakataas na matrikula.
"Yes? Oh! Amira? Ikaw 'yong anak ni Shane, right?" maligalig na bati nito. Isang mapaklang ngiti ang ibinalandra ko sa kanya dahil masyadong mataas ang kanyang enerhiya, hindi ko ma-reach. Nahiya bigla 'yong kaluluwa ko. "Ahm yes po, ako po iyon," mahina kong tugon. Tumango ito tapos sumenyas sa akin na maupo raw ako. Syempre, bawal tanggihan dahil wala na nga akong maiaambag, a-attitude pa ba ako?
"Buti maaga kang pumunta rito dahil mamaya-maya lang,eh, magdadagsaan na naman ang mga estudyante. Wait, hanapin ko lang 'yong student's card mo, ah? Tapos 'yong susi mo sa dorm," ani 'to na napakaligalig pa rin ng tono. Umawang ang bibig ko dahil wala nga kasi akong pambayad. "Ahm, Ma'am Venus, ano po kasi---wala po kasi akong pera ngayon kaya hindi ko po matatanggap 'yong student's card. Pero po, uhm, kakapalan ko na po ang mukha ko. Kung may magagawa po kayo para manatili ako sa school na 'to, gagawin ko po. At saka, maghahanap po ako ng mapag-e-ekstrahan para po kahit papaano ay makabayad po sa inyo," nahihiya kong tugon. Saglit itong natahimik na animo'y hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Ano ka ba! Hindi magandang biro 'yan, huh? Amira. Wag kang mag-alala, bayad ka na sa matrikula mo," tatawa-tawang tugon nito. This time, halos lumuwa ang mga mata ko dahil hindi ko ata nasundan 'yong sinabi niya.
"Uhm, ano po? Ako po? Bayad na? Pero paano?" pag-uulit ko. "Binayaran na kanina ni Zchick Apollo 'yong balance mo. Pati 'yong allowance mo, sinagot na rin niya," sagot ni Tita Venus. "EHHH?!!! Sure po kayo?" Tumango ito na medyo natawa pa dahil sa aking inasal. Dali-dali akong humingi ng paumanhin dahil nagulat ako nang bongga. "Heto, kunin mo na at nararamdaman ko nang nand'yan na ang mga mag-aaral, dadagsain na nila ako." Pagkabigay sa akin ng uniform, student's card tapos susi, ikinampay na nito ang kanyang kamay at hindi nga siya nagkamali dahil pagkatalikod ko, mahaba na ang pila sa labas.
Gulat at naguguluhan kong nilisan ang Registar's office. Bakit naman sinagot ni ipis ang bayarin ko? Naawa kaya siya? Pssh! Imposible! Kung hindi lang siya mukhang tao, iisipin ko na wala siyang puso.
Ughhh! Bad 'yan, Amira! Tinulungan ka na nga no'ng tao, bina-backstab mo pa? Sa ngayon ang gawin mo ay hanapin kung saang lungga nagtatago ang ipis na iyon at pasalamatan siya. Kung hindi naman niya intensyon na gawing libre iyon, edi gora lang! Kahit ano gagawin ko para lang hindi ko maramdaman na utang na loob ko iyon sa kanya.
Pero ang tanong, saan ko nga ba siya unang hahagilapin, eh, sa lawak ng SAA, mukhang mapupudpod muna ang sapatos ko bago ko siya makita.
"Uhm, excuse me, can I ask something?" magalang na tanong ko doon sa babaeng may mahabang pigtail. Pagkalingon, unang naagaw ng aking mga mata ang mataas nitong kilay sunod ay ang umbok nitong labi. Pak na pak naman!
"Kilala mo ba si Phobos? Ahm, saan ko kaya siya makikita?" magalang kong tanong. Lumihis ang kilay nito't kumunot ang noo. "He's on his office kasama 'yong ibang Royalty member, why?"
Umawang ang aking bunganga dahil sa narinig. Woah! Royalty? Pffft, kasuka.
"Ahm, may kailangan lang kasi akong sabihin sa kanya, alam mo ba kung saan 'yong kanyang office?" Nagsitawanan 'yong mga palaka sa sinabi ko. Na-conscious tuloy ako bigla kung may nasabi ba akong hindi karapat-dapat, pero wala naman.
"I feel you, ghorl. We also wanted to talk to him, but we can't. Bago ka pa man papasukin sa opisina niya, need mo munang kumuha ng appointment card kay Crik. So, I suggest, siya muna ang una mong hanapin. Ang kaso, magkakasama sila nina King Phobos kaya ipagpabukas mo na lang ang pangangarap," nakangiti nitong tugon na talagang idinantay pa ang kanang kamay sa balikat ko.
Feeling close, 'yarn?
"Gano'n ba? Salamat," awkward kong ani tapos lumayas na.
Pagkatalikod na pagkatalikod ko, 'yong ngiti ko ay napawi. Tsss! Wala man lang akong nahita sa kanya, maygad!
Siguro mamaya ko na lang siguro siya kakausapin kapag nagkasalubong kami, kung papalarin ako. Sa ngayon, pupunta muna ako sa room ko para mag-ayos ng gamit at isang oras na lang, eh, magsisimula na ang klase. Pero, keri lang din kung sasapian ako ng katamaran at hindi maisipang pumasok.
Isang linggo rin naman kasi 'yong adjustment period. Tamang introduce yourself pa lang naman ang ipapagawa ng mga Teacher kaya nakakabagot din.
"Hayyyss! Fighting, Amira!" bulong ko sa aking sarili bago mag-ala- Naruto sa pagtakbo patungo sa girls dormitory.