CHAPTER 4.5

1418 Words
AMIRA "Saan po ito ilalagay, MASTER?" nakangiti kong tanong, na talagang in-emphasize ko talaga ang salitang master para naman tumagos hindi lang sa katawan niya kun'di pati na rin sa kaluluwa na kinasusuklaman ko siya nang labis. Ngumisi ito, na halatang handang sumakay sa pagpapakitang-tao ko. "Sa kwarto. Pakiayos na rin niyan para naman may silbi ka rito," nakangiti niyang tugon. Syempre naman, 'di ba, hindi ako magpapakabog! Ngumiti rin ako at talagang nilawakan ko! Gano'n ako ka-competitive kaya wag niya akong malit-maliitin dahil hindi ako lumaki para mata-matahin lang ng sinumang lalaki! "Okay po, masusunod po," labas sa ilong na sagot ko tapos naglakad na. Huminto muna ako saglit para ilapag 'yong mga paper bags dahil bubuksan ko 'yong pinto. Wala naman kasing paki itong isang 'to na ni katiting na kabutihang loob ay wala sa kanyang sistema. "Ooopsss, what are you trying to do? Ibababa mo 'yang pinamili ko? Psh, mag-isip ka ng paraan para mapihit ang seradura nang hindi nailalapag ang iyong hawak," hamon nito habang natutuwa sa kanyang nakikita. Nagpakawala ako ng hindi makapaniwalang ngiti. Omaygash! Kaunti na lang talaga at tatakbuhin ko siya para itulak nang magkalasog-lasog ang kanyang lamang loob sa ibaba! "Easy peasy, master," mabilis kong tugon. Inilagay ko sa aking bibig 'yong hawakan no'ng mga paper bags para mahawakan ko ang seradura. Dahil sa kapangahasang ginawa ko, malakas na sumigaw ito na akma pang pipigilan ako na hindi na niya nagawa dahil mabilis akong nakapasok sa loob tapos ibinato ko sa kama niya 'yong sampung paper bags! "What the f*ck! Nababaliw ka na ba?! Nilawayan mo na 'yong mga pinamili ko!" bulalas nito na animo'y labis na nandidiri. Eh, tang*na niya, hindi naman natuluan ng laway 'yong loob! At saka itatapon niya rin naman 'yong mga paper bags kaya bakit siya nagagalit d'yan? Napakaarte, ah! "Pasensya na po kayo, master. Iyon lang po kasi ang naisip kong paraan para mabuksan ang pinto," tugon ko habang nakangiti pa rin. Umiling ito nang ilang beses dahil dismayado siya. Nilapitan niya 'yong mga paper bags na nakakalat sa kanyang kama tapos padabog na inilabas 'yong mga gamit at walang-awang pinagtatapon sa gawi ko mismo 'yong mga paper bags. "We-Wait! Ano ba?! Bakit mo naman tinatapon sa akin! Ano ako basurahan, ah?! Napakabastos!" nanggigigil kong bulalas. "Oo! Tama ka! Isa kang basurahan! Ikaw pa ang may ganang magsabi ng bastos? Eh, 'yong ginawa mo? Hindi ba nakakadiri iyon?!" Pumilantik ang mga mata ko sa kanyang tinuran dahil walang laman ang banat niya. Takte! Eh, ano ngang magagawa ko, 'di ba? Napilit ko na nga lang pagkasyasyahin sa kamay ko 'yong limang mabibigat na paper bags tapos aaktuhan niya ako ng ganito ngayon? Aba sumosobra naman ata ang pagka-spoiled niya. "Eh, gago ka pala! Ayaw mong tumulong tapos may gana ka ngayong magreklamo? May sipon ata 'yang utak mong buang ka!" inis kong bulyaw. Tinapatan ko talaga 'yong lebel ng tono niya kanina. Sinigawan niya ako, pwes sisigawan ko rin siya. Ano siya? Hello? Nagulat ako at halos lumuwa ang aking mga mata dahil parang kidlat na mabilis itong nakalapit sa kinaroroonan ko habang buong lakas na pinipisil ang aking dalawang balikat. Umawang ang aking bibig dahil sa kirot na nararamdaman. Hindi ako makapaniwala na napakalakas niyang nilalang, samantalang mukha naman siyang lampa tingnan. "Don't you dare raise your voice in front of me, you filthy piece of trash," punong-puno ng gigil na banta nito. Hindi ako makapalag dahil tang*na, kinakapos ako ng hininga. Parang kumakawala sa katawan ko ang aking kaluluwa dahil sa maiitim na mga mata nito. Noong naramdaman niyang nahihirapan na ako, binitawan na nito ang kawawa kong mga balikat dahilan para mapasalampak ako sa malamig na sahig. "Ayusin mo ang mga kalat. At pagkatapos mo, wag na wag ka nang magpapakita sa akin," ani 'to bago padabog na umalis. Pagkalagabog no'ng pinto, doon lang ako nahimasmasan. Shuta! Ano 'yon? Para talaga akong hinihigop kanina! Hindi ko maintindihan pero nakakatakot ang pesteng 'yon. Hinagod ko ang aking leeg bago pulutin 'yong mga paper bags na pinagkakalat niya. Kinumos ko iyon isa-isa tapos itinapon sa basurahan. 'Yong mga pinamili niya naman ay inayos ko rin. Sa sobrang takot ko, habang ina-arrange ko 'yong mga gamit, nanginginig ang kamay ko. Hanggang ngayon naiintriga pa rin ako kung saan niya kinuha 'yong gano'ng klaseng lakas. Shuta! Siguro kung tumagal pa 'yong pagkakahawak niya sa balikat ko, paniguradong nabali ang mga ito. Tssk, swerte na lang kapag pinatulog ako ng balikat ko mamaya. Paniguradong maya-maya lamang ay magpaparamdam na ang kapalit no'ng ginawa ni Phobos. Aissh! Balak ko pa namang maghanap ng mapapasukan bukas. Paano kapag pineste ako ng balikat ko bukas? Tsk! Bwesit talagang ipis na iyon! Sabi ko na nga ba! Unang kita ko pa lang sa kanya, masama na ang kutob ko. "Ugh!" bulalas ko habang nilalamukos ang mukha. "So slow." Naagaw ang atensyon ko noong marinig ang tinuran ni Phobos. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya. Iba! May super powers ba siya at hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensya. "Matatapos na rin ako, saglit na lang," nag-aalalang sagot ko. Sh*t! Bakit lumalakas ang kalabog ng dibdib ko? Shuta!! Hindi pwede ito! Naglakad ito papunta sa akin, unconciously akong napatyo out of fear lalo na no'ng iniangat nito ang kanyang kamay. Noong lumanding tio sa unan dahil kukunin niya iyon, doon ko lang na-realize ang kabobohan ko. "What the f*ck?" taka nitong tanong. Saglit akong natameme dahil nag-iisip ako ng maaari kong ipalusot. Nakakahiya naman kung amin ako na natakot ako kaya bigla na lang akong napatayo, 'di ba? "Ahm-- ano, okay na, natapos ko nang ayusin kaya aalis na ako," tugon ko. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata dahil baka manikip muli ang aking dibdib. Hindi ito kumibo kaya akala ko approve na ang ginawa ko pero mali ang aking akala. Binato ako ng unan dahilan para magsitaasan na naman ang dugo sa aking katawan. Ipinikit ko nang mariin ang aking mata para kahit papaano ay kumalma ang aking sistema bago ko harapan ang ipis. "Ano bang problema mo, ah? Sinunod ko na ang gusto mo, so ano pa bang kailangan mo?" iritable kong tanong habang hawak-hawak 'yong unan na ibinato niya. "Paabot. Kusang tumilapon," mapang-insulto nitong sagot. Ngumisi ako dahil tang*na, sumosobra na talaga siya! Nilawayan ko ang aking mga labi dahil hindi na ako makatiis pa. Gaya ng gusto niya, iniabot ko sa kanya 'yong unan pero imbes na humalik iyon sa kanyang kamay, ipinatong ko iyon sa kanyang mukha. Idiniin ko pa para naman kapusin siya ng hininga, Bwesit siya, mamatay na siya! Nagpumiglas ito nang labis dahil sino ba namang hindi. Sinubukan kong tapatan ang kanyang lakas pero hindi ako nagtagumpay. Nagbibiro lang naman ako dahil gusto kong makaganti kahit papaano sa kanya pero, shuta! Mukha atang sineseryoso niya. Ibinalibag ako nito sa kama tapos pinatungan ako. Dilat ang aking mga mata noong malamang nasa ibaba ko na si Phobos habang napapagitnaan ng dalawa niyang kamay ang aking ulo. Tinitigan ako nito nang mainam na tila nagbabalak na tunawin ako ngayong gabi. "You're really getting in my nerve, b*tch. Wala bang natitirang hiya d'yan sa katawan mo at nagawa mong hamunin ang isang katulad ko?" taas noong ani 'to. Sasagot sana ako pero hindi ko na nagawa dahil mas na-tempt ako na patirin ang kamay nito. Nagwagi naman ako at ang ending ay napakalupet. Hehehehehe, naglapat ang mga labi namin na siya naman talagang balak ko. I just wanted to tease him para na rin makatakas kaagad sa kanya. Kaagad itong umayos ng upo habang hindi makapaniwala sa nangyari. Gusto ko sanang tumawa pa pero wag na, mas gusto kong makabalik nas a kwarto at magkulong. Habang gulat pa rin si bobo, ginamit ko ang oportunidad na iyon para kumawala pero si peste ay sadyang napakabilis. Nahablot nito ang aking braso tapos hinapit niya ang aking bewang tapos nakaramdam ako ng labis na takot noong may maramdaman akong bumaon sa aking leeg. Pilit kong inilalayo ang aking katawan kay Phobos para malaman kung ano ang ginawa niya pero sadyang napakalakas niya para magwagi ako. Ilang segundo pa ang lumipas, nakaramdam ako nang panghihina ng tuhod dahilan para bumigay ako sa aking kinatatayuan. Mabuti na lang at nariyan ang malapad na katawan ni Phobos at nagawa akong masalo. Hinayaan kong umagos ang dugo sa aking balat pababa sa aking damit. Hindi ko alam pero mukhang sinisipsip niya ang aking dugo. Pero bakit? Cannibal ba ang buang na ito? O baka naman isa siyang BAMPIRA?!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD