CRIK Matagal-tagal na rin pala noong huli naming bisita rito sa bahay. Kami lang ni Phobos ang magkasama dahil si Deimos, eh, nauna nang sinundo ni Tito Xen. May date ata sila ngayong pamilya dahilan para maging bugnutin itong si Phobos. "Mom, dumating na ba 'yong mga order ko na barbie last month?" tanong ko habang nilalantakan namin ang mango graham na gawa ni mommy. "Yes, nak. Actually inalagay ko na siya sa collection room mo,"tugon nito. Nabitiwan ko ang kutsarang hawak ko dahil sa narinig. Tumayo ako tapos padabog na humilata sa sahig. "Mom! Bakit?! Ako nga mag-a-unbox no'n, eh!" dabog ko habang umaaktong umiiyak na batang maliit. Tumawa nang tumawa si Phobos dahil sa itsura ko. Wala naman akong pake doon kahit mabulunan pa siya d'yan. Kapag nasa bahay talaga ako, ganito ako um