HAYASHI Kanina pa ako nakatayo rito sa parking lot, sinisilip kung parating na ba si Amira. "Mommy puntahan ko lang 'yong kaibigan ko na sasabay sa atin, ah? Baka kasi nilamon na ng lupa," paalam ko. Nakakahiya naman kasi, may appointment pang pupuntahan sina ni Daddy. Nakiusap nga lang ako na hintayin saglit si Beshy kasi nagmamadali rin sila. "Sige, bumalik ka kaagad, ah!" sabi nito. Tumango ako tapos kumaripas na ng takbo pabalik. "Nasaan ka na ba kasi, Amira? Hindi kaya nandoon pa rin siya sa apartment nila't naliligo pa? O kaya nagbibihis? Shuta! Sabi ko wag na, eh!" bulalas ko sa kawalan. Habang papalapit ako nang papalapit sa may field kasi shortcut iyon patungo sa dormitory, nakarinig ako ng halakhakan. Tumigil ako saglit dahil may kung anong bagay ang nakahandusay sa lupa.