ZCHICK APOLLO Maagang bumalik ng SAA kasi gusto kong makita kaagad si Amira, titingnan ko kung kailangan ko pa siyang kaladkarin sa apartmet ni Deimos o magkukusa siyang uuwi. Hindi ko inaasahan na mauunahan niya pa ako. Noong makita ko siyang nagtitiklop ng damit at hindi man lang niya ako binati, pinalagpas ko iyon. Pero noong lumabas ako sa banyo, wala na akong nadatnan na Amira. Saglit lang ako sa loob dahil nagbihis lang ako, tapos iniwan niya akong mag-isa? Hindi man lang siya kumatok sa pinto para magpaalam kung saan pupunta tapos ngayon, malalaman-laman ko kay Sagittarius, nasa punishment room siya dahil nakipagbardagulan kay Aizarina?! Tsss! Ibang klase! Nakatikim lang nang kaunting kalayaan, ninamnam niya nang maigi! Dali-dali akong bumaba para sugurin 'yong magaling kong alip