AMIRA "Ehh? Wala si Phobos? Saan naman nagpunta ang demonyong 'yon?" tanong ko sa aking sarili habang inililibot ko sa isa pang sandali ang aking mga mata. "Umuwi kaya siya sa kanila? Or tumambay sa club room? Pwede ba, Amira, pahingahin mo muna ang utak mo sa kakaisip kay Phobos kasi hindi magandang almusal 'yan," sermon ko sa aking sarili. Nagkbikit balikat na lang ako tapos umupo sa kama, kinuha 'yong mga tiklupin na nakalagay sa basket tapos sinimulan na ang pag-aayos. Maganda ang mood ko ngayon, dapat kasi maayos na ang kalagayan ni Hayashi tapos sabi ng Nurse, maaari na siyang ma-discharge mamaya. Sasama rin siya sa retreat na gaganapin bukas. Grabe, ngayon ko lang na-realize na napaka-swerte ko kay Hayashi. Walang b0bo ang gugustuhing ialay ang buhay para lang sa isang katulad k