KEISHA "Ganoon ba, Xen? Sige, enjoy!" sabi ko sa kabilang linya bago ibaba ang tawag. "Anong sabi? Bakit daw hindi makakapunta rito si Xen?" tanong ni Kamatayan. "May pupuntahan daw sila ni Vanessa. Remember her? Siya 'yong representative dati ng Gorgons noon sa Battle of the Heir," sabi ko. "Ahhh, balita ko may gusto kay Xen iyon? Pinatulan niya na ba?" Nagkibit-balikat ako dahil hindi naman ako mahilig makiusyoso sa love life ng iba. Pero kung oo nga, masaya ako sa kanilang dalawa. "Well, let's wait sa sasabihin ni Xen. For sure naman hindi niya ililihim sa atin kung nagkakamabutihan na nga silang dalawa. Mabait naman si Vanessa at trip ko siya because we both like bloody battle, you know! Minsan nga noong inaya ko siyang manood ng training ng mga recruits, kung ano 'yong say ko, 'y