Maaliwalas ang panahon ngayon at kumpara sa mga nakaraang araw, ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong klaseng katahimikan ang mala-purgatoryong paaralan. Maligamgam na hangin, tulog ang araw na dinuduyan ng bughaw na kalangitan habang ang liwanag nito ay nananatili pa ring nagbibigay biyaya sa mga nilalang sa ibaba. Ang mga mahaharlika ay nagpapakasaya sa piling ng kanilang mga minamahal. Hindi mapigilan ni Crik ang kanyang pagmamahal sa girlfriend nitong si Hayashi habang si Deimos at Rose naman ay napapahaba ang usapan sa rooftop, kapwa nagpapalitan ng mga karanasan na sila lamang ang nakakaintindi. Samantala, ang Haring si Phobos at si Amira ay aligaga sa pag-impake ng kanilang mga damit. Buo na ang kanilang desisyon na lisanin na ang kulungan at magpapakalayo sa hindi malaman