ZCHICK APOLLO "Nandito ka na naman, dude? Gabi-gabi ka na lang umiinom, paniguradong magagalit niyan si Amira," wika ni Crik. "Shut up. Ikaw na ang nagsabi, nandito ako para uminom hindi para sermunan mo. Another case," maldito kong sagot. Wala ako sa mood, lagi naman. Para akong pinanghihinaan kapag uuwi ako sa bahay nang walang nadadatnang Amira. Ang pangit din ng simula ng araw ko lagi dahil wala akong nakikitang Amira sa umaga. I guess I'll be like this for more than 2 months pa. "Hays. Last case mo na, ha? Nag-aalala ako sa kalusugan mo, baka mapano ka, hindi pa nga kayo nakakabuo." Tiningala ko si Crik. Salamat sa lagi kong pagbisita rito sa bar nila at feeling ko tumataas ang tolerance ko sa alak. "Kukuha ka, o kukuha ka? Parang hindi ako nagbabayad sa tono ng pananalita mo.", "

