"Ito na ang isanlibong VIP? Hanep 'yan. Akala ko naman may babasahin man lang, mga alak na naka-display," pambabasag ko ng katahimikan. "Hahaha! Karaoke lang daw ang sakop ng isanlibo, dude. Pili ka na, simulan mo na kumanta," alok ni Deimos. Kahit hindi ako palakanta, para magkaroon man lang ng entertainment habang hinihintay 'yong malanding counter girl, kinuha ko na 'yong song book. "Hindi ako marunong nito, pare. Walang ganito sa SAA at ano 'to? Hindi ko alam ang mga kanta," ani ko. "Marami ka naman pagpipilian, ha? Mamaya ka na magreklamo kapag na-scan mo nang lahat tapos wala ka pa ring napili." Nanahimik na lang ako at nag-focus sa pagbabasa. "P*tangina namang ilaw 'yan. Hindi ko mabasa, malaking krismaslayt ata 'yang bumbilyang 'yan," asik ko dahil parang kiti-kiting patay-sindi

