Malalim na ang gabi, kasing lalim ng puot ng nadarama ng binatang nangunguna sa paglalakad sa tahimik at malamig na pasilyo. Kasama ang dalawang tagasunod, tagumpay nilang naloob ang subdivision ng kanilang biktima. Umaawit ang hanging dumuduyan sa malalaking puno, samantalang animo'y krismaslayt na sumasayaw ang mga ilaw sa daan. "Base rito sa map na idrinawing ni Elijah, nandito na tayo sa bahay nina Vina. Laki, ha. Kaya naman pala malakas ang loob magbaliw-baliwan, may kaya naman pala talaga sila sa buhay," bulong ni Crik. Limitado lamang ang ingay na dapat nilang pakawalan dahil nakikinig ang buwan at ang lupa sa kanila. Ilang sandali rin nilang pinagmasdan ang malaking bahay. Habang ginagawa nila iyon, nag-uusap-usap sila kung paano isasagawa ang maitim na plano. Mukhang imposib

