AIZARINA Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong matagumpay kong naidispatsa sina Amira at Phobos pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng tuwa. I thought, I am going to be happy and satisfied pero bakit ganito? Dapat nagdidiwang na ako ngayon dahil nakaganti na ako. Naiganti ko na si Ate Kate pero parang kulang? "Nasaan si Daddy?" maldita kong tanong doon sa katulong na pumasok. May dala itong tray ng pagkain dahil nakakulong ako sa malaking silid. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng hukluban na iyon pero wala akong pake, ibalik lang nila sa akin si Heraldo. "Ma'am nasa sala po," magalang nitong tanong. "Pwedeng pakitawag? Sabihin mo may kailangan akong sabihin sa kanya. Kakagising ko lang ngayong araw tapos hindi man lang siya sumilip para kumustahin ang lagay ko?! Tawagin mo!" i