AMIRA Naagaw ang atensyon ko no'ng babaeng sumisigaw sa kalagitnaan ng auditorium. Akala ko may nangyayaring masama sa kanya, 'yon pala, kinarga lang ng boyfriend niya. How sweet. Sana lahat. "Teka, siya 'yong bumangga sa akin kanina," bulong ko sa aking sarili habang sinusundan sila kung saan patungo. Nakakaaliw silang pagmasdan. Kailan ko kaya makikita 'yong sa akin? Wala namang nabanggit si mommy kung nagkaroon ako ng karelasyon before. Haysss, darating na lang iyon kung may darating. Kung wala, edi wala. Basic. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sisilip na rin ako sa bulletin board kung saan ang room ko and then magpapasundo na ako kina mommy. Ay hindi, baka gumala muna ako saglit. Mas mainam nang alam ko kung ano ang mga mayroon sa school na ito para bukas, eh, hindi na ako magk