HAYASHI Nagsimula na ang orientation, buti na lang at nauna na ako kina Xymond at Crik at hindi na sumabay sa kanila pagpunta rito dahil kung hindi, for sure isa kami sa mga taong nakatayo sa likod. "Grabe. Ganito pala karami ang nag-aaral dito, ano? Hehehehe, nakakatuwang maging normal," panimula ko. Pasimple akong nakikipag-chikahan dito kay Rose kasi mahirap na, baka mahuli kami tapos mapatawag nang wala sa oras. Nakaka-boring naman kasi 'yong boses no'ng nagsasalita, sinong gaganahanang makinig? Mas malakas pa boses ni King Phob--I mean ni Zchick. Nga pala, bawal na naming i-address sila sa kanilang mga palayaw dahil ayaw na ayaw maririnig ni Zchick iyon. Haysss, speaking of him, hindi pala siya bumaba sa sasakyan. "Oo nga. Sasama ka ba mamaya? May party sa bahay nina Xymond, doon