AMIRA "Mommy! Aalis na tayo!" tawag ko habang nakatingala para makita kung lalabas na ba sila sa kanilang silid dahil kanina ko pa sila hinihintay. Dadalawin kasi namin ngayon ang puntod ng tunay kong ama, and then a-attend ako ngayon ng school orientation dahil bukas din ay magsisimula na akong pumasok sa St. Emillion. "Naipasok na ba ni Tif 'yong mga gamit? Tara na at mag a-alas otso na pala, ten 'yong orientation niyo, ano?" tanong ni mommy na kakababa lang. "Opo. Ihahatid ba ako ni dad? Please?? Wala naman siguro siyang gagawin pa sa work niya, right? Gusto kong ihatid niya ako," pagpapabebe ko. Tumawa nang mahina si mommy and then hinaplos nito ang pisngi ko. She's always like that. Natutuwa siya kapag bini-bring up ko lagi si dad. Hula ko, hindi siguro ganito 'yong turingan nami