AMIRA Mabilis na natapos ang walong oras na pasok. Nagpapasalamat ako na buhay pa rin ako hanggang ngayon kahit araw-araw kailangan kong saluhin 'yong mga matatalim na titig na pinapakawalan ng mga mag-aaral. Sabado na bukas, dalawang araw na lang at lalabas na ang Beaver's moon. Sa tuwing maaalala ko iyon, sumasagi sa isip ko 'yong Queen's knight. After nilang magamot sa clinic, pinauwi muna sila at pinatawan ng isang buwang suspension. Habang nakatulala akong naglalakad mag-isa pabalik sa dormitoryo, nakarinig ako ng pamilyar na tawag. Pagkalingon ko, isang anghel ang nakita ng aking mga mata. "Tita? What are you doing here?" taka kong tanong. Bago ito sumagot, hinagkan niya muna ako't hinagod ang aking likod. "May inasikaso lang ako rito tapos kanina hinatid ko si Elijah. Kumusta