AIZARINA "Tama na ang pag-inom, Senyorita," mahinang saway ni Heraldo habang sinusubukang agawin sa akin ang baso ng alak. "Wag mo akong pigilan. Ito na lang nga ang nagbibigay ng kapal ng mukha sa akin para harapin ang mga panibagong tukso na sasalubungin ko bukas, babawiin mo pa!? Hah! Paniguradong maririnig ko na naman 'yong salitang talunan dahil hindi ako dinalaw ng bwesit na Phobos na iyon! Sabihin mo sa akin, Heraldo, hindi ba ako maganda? Hindi ba ako kaakit-akit?" sunod-sunod kong tanong. Umiling ito tapos muling ibinaling ang titig sa akin. "You're the most beautiful in my eyes," mahina nitong tugon sapat lang upang marinig ko. Pagkatapos tumagos sa aking tenga ang mga salitang iyon, pakiramdam ko may nagsindi ng apoy sa aking dibdib. Dumako ang tingin ko sa mga labi nito,