Point of view - Emma Addison - Pinili kong magliban sa opisina ngayon, dahil nais kong bumisita sa aking mga magulang kasama sina Cyrus at Mira. Hindi na rin sumama sa amin si Joseph dahil marami pa ang dapat niyang asikasuhin sa kanilang kompanya, ngunit nagpresinta pa rin siyang ihatid kami patungo sa bahay ng aking mga magulang. Mabilis kong inayos ang gamit ng sanggol sa likod ng kotse saka ko pinaupo sa children car seat si Mira, gano'n din naman ang ginawa ko kay Cyrus. Matapos iyon, agad na akong lumakad patungo sa passenger seat kalapit ni Joseph. "Let's go?" tanong niya. "Sige, tara na," tugon ko. Nagsimulang mag maneho si Joseph at binaybay namin ang kahabaan ng Edsa, as usual, traffic na naman. Ngunit hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa bahay ng aking mga magulan