Point of view - Joseph Lee - "Kung beach wedding kaya? Then nando'n na 'yung taong magkakasal sa kanila, para wala nang takas si Emma?" "I don't think it's a nice idea, kasi baka mag-run away bride 'yung kaibigan mo." "Kung kidnapin na lang natin siya, para wala nang kawala?" Ilan lang ang mga ito sa naririnig kong pag-uusap ng dalawang ito sa aking harapan. Nakaupo ako sa isang sofa at nakapalumbabang nakatingin kanila Ezekiel at Noemi. Hindi ako umiimik sa mga bagay na kanilang sinasabi, hinahayaan ko lang silang magbigay ng komento sa isa't isa. Ginala ko ang aking paningin sa paligid ng kanilang bahay. Mataas ang kanilang kisame, malaki at malawak ang beranda ng kanilang tahanan, sapat ang bahay na ito para sa isang pamilya na bubuohin nila. Sa aking kinaroroonan, sa kaliwang