Point of view - Joseph Lee - Kahit anong sigaw ang aking gawin. Kahit anong ingay ko sa buong eskwelahan na ito, wala ni isang Cyrus Lee ang lumalabas, hindi nila alam at wala silang maisagot sa aking katanungan kung saan o sino ang kumuha sa anak ko. Alam kong dapat akong huminahon at hindi dapat magalit sa guro ni Cyrus, pero napupuno ng pagkamuhi ang aking puso. Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa galit nang malaman kong may ibang tao ang sumundo sa anak ko. "Sir Joseph, bakit hindi po natin tingnan ang CCTV ng eskwelahan." Mabilis akong napatingin sa guwardiya na nagsalita ngayon hindi kalayuan sa aking kinaroroonan. Dahil sa mungkahi niyang iyon, nagmadali kaming magtungo kung saan namin makukuha ang CCTV Footage ng eskwelahan na ito. Kasama ang guro, principal, at iba