Chapter 04 3rd Person's POV Naging mahaba ang byahe na iyon para kina Percival at Garan. Nakatulog naman agad si Percival dahil kasama niya si Garan hindi niya kailangan mag-alala. Hindi naman ito inabala pang gisingin ni Garan kahit nasa destinasyon na sila. Hininto ni Garan ang sasakyan sa loob ng kagubatan na sakop din ng inn na nakatayo sa hindi kalayuan sa direksyon nila. Bumaba si Garan matapos ihinto ang sasakyan at isara ang pinto ng kotse. Makalipas ang ilang minuto nakaramdam na naman si Percival ng hindi kaaya-ayang sikip sa paligid niya. Hindi na naman siya makahinga kaya binuksan nito ang sasakyan matapos makita na wala nga si Garan sa loob. Ginala ng binata ang paningin sa lugar. Napa-pokerface si Percival dahil sa idea na pinasok ng butler ang sasakyan sa gubat. Hin