Chapter 05 3rd Person's POV "Disguise na ba ito?" pokerface na sambit ni Percival matapos sila huminto sa isang shop para ayusan. Nagkatinginan sina Trina at Terrance. Balak nilang ayusan si Percival para hindi ito gaanong mag-stand sa mga tao ngunit kahit anong ayos nila. Hindi 'non maitatago ang aura ng binata at features nito. Mapapansin at mapapansin pa din ito. Lumapit si Trina at binagsak ang buhok nito. Bahagyang tinago ang mata ni Percival at sinuutan ito ng salamin. "Ahm, how about this." Tiningnan ni Terrance si Percival. Gumusot ang mukha ng binata dahil sa idea na nagsasayang lang sila ng oras. "Bakit ba kasi ang gwapo mo?" "Bakit hindi mo itanong sa buong angkan ko," basag ni Percival na kinangiwi ng dalaga. "Sasama ka sa loob diba Garan? Hindi ka pwede magsuot