KLARISSE "Matapos mo kong saktan kanina, magpapatulong ka ngayong magluto! Ibang klase ka rin eh no Klarisse!" inis na inis na sabi sakin ni Maybelle. Nandito kami ngayon sa kusina, matapos ko syang poksahin kanina at muntik nang ihulog sa bintana, nagpatulong ako sa kanyang magluto para sa dinner mamaya. Diba nga ininvite ko si Justine at si Jordan. "Kasalanan mo naman kung bakit ka nasaktan diba?" "Nagsuggest lang ako" pangangatwiran nito. "Hindi ka nagsuggest. Dinumihan mo yung malinis kong pag-iisip" "Kelan ba naging malinis yang isip mo? Puro kasamaan naman yung laman nya." "Sayo lang parrot!" "Sus sakin lang daw, kay JT ganyan ka din kasadista eh. Ikaw din, pag nagsawa yun sa pananakit mo, baka bumalik yun kay---" Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya dahil hinawakan ko b