KLARISSE "So gusto mong sampalin kita?" takang tanong sakin ni Maybelle. Pero kitang-kita ko na nagniningning yung mga mata nya habang nakatingin sakin. Subukan lang nyang lakasan ng sobra yung sampal nya sakin, humanda talaga sya! "Ano na? Sasampalin na ba kita? Game na?" tila inip na inip na tanong nito. "Oo pero subukan mong lakasan yan at masaktan ako ng bongga, hindi ka na talaga sisikatan ng araw!" "Grabe ka naman Klang! Ikaw yung nagpapasampal tapos pag nasaktan ka, papatayin mo ko." Eh sa gusto ko lang namang malaman kung totoo o panaginip lang yung nangyari kanina eh. Kung talaga bang sinagot ko na si Justine, at girlfriend na nya ko. "Sige na sampal na! Ang dami mo pang sinasa----" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil sinampal na nga ako ng mahaderang parrot na to