JUSTINE "So kamusta yung dinner date nyo?"nakangiting tanong sakin ni Kuya Jordan. "Ok lang naman"pinilit kong maging cold yung boses ko kahit ang totoo, kanina ko pa nirereminisce yung lahat nung nangyari kagabi. "Alam mo lil sis, mahirap yung pinipigil yung nararamdaman" tukso nya sakin. "Huh?" patay-malisyang tanong ko sa kanya. "Nandito ako kagabi, pinapanood kayong dalawa. Ang cute nyo ngang tingnan eh. Halatang inlove na inlove sa isa't-isa" Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Akala ko ba male-late sya ng uwi dahil may taping pa sya. "At yung nakita kong happiness mo kagabi, hindi yun arte lang. Hindi yun dahil gusto mo syang paniwalain na inlove ka nga sa kanya. Totoong-totoo yun Justine." "Kuya?" "Hanggang mata yung ngiti mo kagabi eh. Tapos nakita ko rin kung papano