KLARISSE "Akala ko ba 7pm?" nakataas ng kilay na tanong ko sa kanya pagdating nya sa bahay. Hello, 7:02pm na kaya! Late sya! Ano ba naman klaseng manliligaw yan! "Risse, kanina pa ko naghihintay sayo sa bahay, diba sabi ko pumunta ka ng 7pm?" Lalo ko naman syang tinaasan ng kilay. "Hoy babae! San ka naman nakakita ng manliligaw na hindi sinusundo yung nililigawan nya sa first date nila?!" kanina pa ko binubwisit ng babaeng to eh. Nagtext kase ko sa kanya para tanungin kung anong oras nya ko susunduin, ang sagot ba naman sakin, hello Risse, tatawid ka lang tapos bahay na namin, bakit pa kita kailangang sunduin? Jusko, iniisip ko tuloy, seryoso ba talaga tong babaeng to sa panliligaw nya sakin? Baka naman ineetchos nya lang ako. "Fine, sorry na po mahal na prinsesa. Andito na po ako a